ABS-CBN cements its commitment to serve Filipinos with love on the Philippines’ 121st year of independence with a special commemorative flag-raising ceremony airing on Wednesday (June 12) after “Umagang Kay Ganda.”
TNT Boys, mangunguna sa pagkanta ng “Lupang Hinirang”
Ipagtitibay ng ABS-CBN ang pangako nitong paglingkuran ang mga Pilipino nang may pagmamahal at malasakit sa taunang flag raising ceremony nito tuwing Araw ng Kalayaan ngayong Miyerkules (Hunyo 12) pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda.”
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng Kapamilya network ang tatag ng Pilipino sa harap ng hirap, trahedya, at kalamidad. Kikilalanin din nito ang mga nakasama ng ABS-CBN sa paghatid ng tulong sa milyun-milyong mga Kapamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto ng kumpanya sa nakaraang 65 na taon.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng ABS-CBN chairman na si Mark Lopez ang mga donor, partner, at volunteer na nakibahagi sa misyon ng ABS-CBN na maglingkod sa mga Pilipino sa loob ng mga nakaraang dekada.
Magpapatuloy naman ang ABS-CBN sa mga adbokasiya nito para sa kalikasan at kaligtasan,kabataan at edukasyon, at kabuhayan at kalusugan, at hinihimok din ang bawat mamamayan na makiisa.
Mapapanood ang panunumpa sa layuning ito sa Araw ng Kalayaan, na pangungunahan nina ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak, ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head na si Ging Reyes, ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. (ALKFI) managing director na si Susan Afan, at Knowledge Channel Foundation Inc. president na si Rina Lopez Bautista.
Mangunguna sa ABS-CBN Flag-Raising ceremony ang “TV Patrol” anchors na si Noli “Kabayan” De Castro at Bernadette Sembrano. Tampok din dito ang international singing sensation na TNT Boys, na kakanta ng “Lupang Hinirang” at isang bagong awit mula sa National Artist na si Ryan Cayabyab, kasama ang singing group na The Company. Naroon din upang makiisa ang iba pang opisyal ng ABS-CBN tulad ng COO of Broadcast na si Cory Vidanes at ABS-CBN Films Productions Inc. managing director Olive Lamasan, at ilang Kapamilya artists.
Ang flag-raising ceremony ay tradisyon ng ABS-CBN, kung saan nakikibahagi ang mga empleyado at staff ng Kapamilya network mula sa iba’t ibang regional station sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Makisama sa panata ng paglilingkod at sa pagbibigay-pugay sa Pilipinas sa Miyerkules (Hunyo 12) pagkatapos ng “Umagang Kay Ganda” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD sa TV at sa iwant.ph o skyondemand.com.ph sa online. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, at Instagram o pumunta sa
www.abscbnpr.com.