Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” pa rin ang nananatiling pinakapinapanood na serye sa bansa matapos nitong magkasunod na talunin ang dati at bago nitong katapat na mga programa sa national TV ratings.
Binuksan ng Kapamilya serye ang Hulyo nang nangunguna sa timeslot sa pagpalo nito sa 37.5% noong Lunes (Hulyo 1), samantalang 18.7% lamang ang naitala ng bagong karibal nitong “Sahaya,” ayon sa datos ng Kantar Media. Humataw naman sa national TV rating na 35.6% ang Kapamilya serye noong Biyernes (Hunyo 28), o 14.1 na puntos na lamang kumpara sa “Kara Mia” (21.5%).
Mas tumitindi na nga ang aksyon gabi-gabi ngayong patuloy ang pagtugis ng grupo ni Cardo (Coco Martin) sa grupo ni Bungo (Baron Geisler) na siyang itinuturong pumatay kay Chikoy, isa sa miyembro ng Task Force Agila. Ngunit patuloy pa ring makakahanap ang kalaban ng paraan na makatakas upang maisakatuparan ang kanyang plano ng paghihiganti para sa kapatid.
Magaganap na nga ba ang matinding pagtutuos ni Cardo at Bungo?
Panoorin gabi-gabi ang aksyon at aral sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang
www.abscbnpr.com.