Fans of Korean model-actress Lee Sung Kyoung went crazy as the “PH fairies” were able to experience the “Be Joyful” Fan Meet last July 27 at the SM Skydome in Quezon City brought by Asianovela Channel, the ultimate fanbayan on free TV on TVplus.
Halos mabaliw sa saya ang mga fans ng Korean model-actress Lee Sung Kyoung na “PH fairies” sa “Be Joyful” Fan Meet nito noong Hulyo 27, sa SM Skydome sa Quezon City sa pagkakataong ibinigay ng Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV na nasa TVplus.
Ang anim na “PH Fairies” na sina Jewie Maely Ravelo, Reymond Pablo, Rashlyn Dela Cruz, Quennie Ann Mantala, Wennessey Arellano, at Wilma Pondales ang masususwerteng Asianovela Channel fans na nabiyayaang manalo at magkaroon ng pagkakataong mapanood ang fan meet ng kanilang idolong si Lee Sung Kyoung matapos sagutan ang “Be Joyful: Question of the Day” sa Asianovela Channel Facebook page.
“Masaya ako na makasama dito, nakaka-iyak favorite ko talaga ang “Weightlifting Fairy Kim Book Joo” at wala akong masabi sa tindi ng ginawa niya as an actress. Salamat Asianovela sa pagkakataon na makita ang idolo namin. Ang ganda niya, ang bait pa. I love her so much!” ayon pa kay Jewie Maely Ravelo.
“I feel blessed na isa ako na nanalo sa promo. Makita ko lang siya ng personal, masaya na ako. Ang cool niya! Dahil sa Asianovela Channel nabigyan ako ng pambihirang pagkakataon na ito sa buhay ko!” pagmamalaki pa ni Reymond Pablo.
Ayon naman kay Quennie Ann Mantala, “Hindi ko talaga akalain. Overwhelmed po ako lalo na bilang ACnatic. Bilib ako sa lakas ng dating niya, sa pag-arte at lalo na sa mga fans niya. Sana bumalik siya sa Pilipinas! Sa mga kapwa ko ACnatics, subukan ninyo palagi sumali, malay ninyo kayo naman ang masuwertehan next time. Salamat talaga sa Asianovela Channel sa pagbibibgay oportunidad sa aming mga ACnatics na mapanood siya,”
Hindi naman makapaniwala si Rashlyn Dela Cruz sa “dream come true” na makita ang idolong Korean star. “Pinaka-excited ako na marinig siyang mag-Tagalog o kumanta! Napaka versatile actress po niya at napaka-kumbaba kahit super sikat pa. Sobrang thank you for the chance Asianovela Channel na kahit hindi namin afford ang ticket, nandito pa ‘din kami!” buong pusong pasasalamat ni Rashlyn Dela Cruz.
May pahayag pa ito sa mga kapwa ACnatics, “Don’t stop believing in “fangirling” at ang paniniwala sa “new gen” of heroes and heroines na tinuturuan tayo ng iba’t-iba pang paraan kung paano pa magiging mas masaya,”
Unang nakilala ang swag model-actress sa Korean hit na “Weightlifting Fairy Kim Book Joo,” kung saan ibinahagi naman nito ang isa pa niyang talento, ang pagkanta. Ang ibang mga naging proyekto ni Lee Sung Kyoung ay ang “I Love You” noong 2013 ng “The Papers;” “My Lips Like Warm Coffee” noong 2016 kasama si Eddy Kim; at “Last Scene” nitong 2017 kasama si Psy. Nagkaroon siya ng mga solo hits na “My Only One Person”, “I am What I am” at “Tomorrow Will be a Better Day.”
Ang “Be Joyful” Lee Sung Kyoung 1st Fanmeet sa Manila ay prinodus ng CDM Entertainment at ABS-CBN Events, in partnership with Applewood at YG kasama ang Rebisco.
Patuloy na sumubaybay sa Asianovela Channel, para sa mga paboritong Asianhits para sa Pinoy. Para sa karagdagang detalye, pumunta sa Asianovela Channel sa Facebook (fb.com/AsianovelaChannel).