News Releases

English | Tagalog

Mabagsik na pagbabalik ni Pagara sa “Pinoy Pride 46,” mapapanood sa ABS-CBN S+A

August 22, 2019 AT 10:16 AM

Pagara's triumphant ring return in “Pinoy Pride 46” on ABS-CBN S+A

Filipino boxing rising star “Prince” Albert Pagara’s recent triumphant return to the squared circle in “Pinoy Pride 46: Banggaan sa Ormoc” will be shown today (August 22) at 12 nn on ABS-CBN S+A, with a replay on September 1.   

Mga Pinoy, nagpaulan ng knockout…

Matagumpay na nagbalik sa loob ng boxing ring si “Prince” Albert Pagara sa “Pinoy Pride 46: Banggaan sa Ormoc,” na mapapanood sa ABS-CBN S+A ngayong Huwebes (Agosto 22) ng 12 nn at may replay sa Setyembre 1.
 
Muling tagumpay ang pagdepensa ni Pagara sa kanyang titulo sa WBO Inter-Continental Super Bantamweight nitong nakaraang Sabado (Agosto 17)sa Ormoc City Superdome sa Leyte, kung saan nagpaulan ng knockout ang iba pang Pilipinong boksingero na sina Jeo Santisima, Jonas “Zorro” Sultan, and Melvin “El Gringo” Jerusalem
 
Hindi na pinainit ni Pagara ang Thai fighter nang patumbahin niya ito agad gamit ang kanyang right straight. Nakatayo pa si Sawangsoda pero tatlong beses pa ito ulit pinatumba ni Pagara hanggang sa itinigil na ng referee ang laban sa 2:53 na marka ng unang round.
 
Samantala, nagpakitang-gilas muli si Santisima pagkatapos niyang masungkit ang isa na namang knockout sa first round kontra kay Alvius Maufani ng Indonesia bilang co-main event ng naturang kartada. Hindi naman nagpahuli sina Jonas “Zorro” Sultan at Melvin “El Gringo” Jerusalem na parehong nagtala ng knockout sa ika-pitong round kontra kina Salatiel Amit at Reymark Taday.
 
Huwag palampasin ang mga kahindik-hindik na knockout sa “Pinoy Pride 46: Banggaan sa Ormoc” ngayong Huwebes (Agosto 22) na mapapanood sa S+A at S+A HD ng 12 nn at muli sa Setyembre 1 ng 12 nn.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa “Pinoy Pride” at sa ALA Boxing Promotions, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sasports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE