The Big Three of Robi Domingo, Gretchen Ho, and Alyssa Valdez head to Recto inside the lair of the University of the East (UE) Red Warriors this Saturday at 1 pm on ABS-CBN S+A, to show the best things about the campus with its finest athletes and students.
Robi, Gretchen, at Alyssa, bibisitahin ang campus ng Red Warriors…
Maglilibot sina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez ngayong Sabado (Setyembre 14) sa loob ng Pamantasan ng Silangan o University of the East para sa isa na namang masayang episode sa “University Town” ng 1 pm sa S+A.
Makakasama nila ang ilang produkto ng paaralan na nakapagbigay karangalan para sa institusyon tulad ng dating sikat na Red Warrior na si Ronald “The Saint” Tubid, mga volleyball idol na sina Judith Abil at Kath Arado, ang kampeon na UE Red Warriors fencing team, at ang beauty queen na si Jayzamel Vista.
Magbabalik-tanaw sa UE campus si Ronald, ang dating rookie-captain ng Warriors na binansagang “The Saint” matapos gawing modelo sa painting ni San Pedro Calungsod. Ibabahagi niya ang karanasan kasama ang mga tulad nina James Yap at Paul Artadi bilang student-athletes at kung paano siya natulungan nito upang magtagumpay sa professional league.
Samantala, magsisibling tour guide naman ng mga manonood sina Judith at Kath para sa “Campus Hacks” kung saan ipapakita nila ang masasarap tambayan sa loob ng eskwelahan.
Sasali naman si Alyssa sa mga reyna at hari ng UAAP fencing, na nasungkit ang kanilang ika-pitong sunod na korona noong Season 81, at kasalukuyang naghahanda para gawing walong sunod na kampeonato ngayong taon.
Makikila rin ang isa sa mga pinagmamalaking estudyante ng UE na si si Jayzamel Vista, isang batikang student-leader na kauna-unahang Pilipinong nanalo sa Miss Teen Planet International noong 2016. Alamin ang kanyang kwento at adbokasiya na nagpapatunay na isa siyang “University Lodi.”
Mag-enjoy at ma-inspire sa kanilang kwento sa pagsama kina Robi Domingo, Gretchen Ho, at Alyssa Valdez sa loob ng UE ngayong Sabado (Setyembre 14) ng 1 pm sa “U-Town.” Para sa balita sa UAAP, i-follow ang @ABSCBNSports sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa
sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa
www.abscbnpr.com.