News Releases

English | Tagalog

Libreng education at pag-asa, handog ng Bantay Bata 163 sa mga nasagip na bata

September 04, 2019 AT 09:52 AM

Hinarap ng labing-dalawang taong gulang na si Arnil Castillo at tatlong magkakapatid ang pinakamasakit na mga trahedya. Isang buwan matapos silang inabandona ng ina, namatay ang kanilang ama. Naiwan ng walang mag-aaruga sa kanila, dinala ng barangay officials ang magkakapatid sa Quezon City Social Service Development Department at saka sila nalipat sa Bantay Bata 163 Children's Village sa Bulacan.
 
Sa nasabing bagong tahanan nag-umpisa muli buuin ng mga bata ang kanilang buhay sa pagsali sa iba’t ibang activities ng village. Ngunit may isang bumabagabag kay Arnil.
 
"Kung mag-aaral po ba ako dito o hindi… Kailangan ko pong mag-aral para po kapag nakapagtapos po ako, hahanapin po namin si Mama," saad ni Castillo.
 
Isa lamang si Arnil sa 39 na mga bata sa village na nangangarap mag-aral. Kaya naman nagsisikap ang Bantay Bata 163, sa pamamagitan ng Bantay Edukasyon na maghanap ng scholarship grants.
 
Para mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga bata, naghahanap ang Bantay Bata 163 ng mga sponsor at donor para masuportahan ang kanilang pag-aaral, isang holistic grant na mapupunan ang kanilang tution pati na rin ang school supplies, pagkain, transportation allowances, at iba pang mga gastos.
 
Sinimulan ng Bantay Bata 163 ang Bantay Edukasyon noong 1998 para maging aftercare service ng mga nasagip na bata, at magmula noon, nakapagbigay na ito ng 6,400 scholarpships sa buong bansa. Sa nalalapit na ABS-CBN Ball, layunin nito ay supportahan ang Bantay Edukasyon program ng Bantay Bata. Noong 2018, nabuksan muli ang Bantay Bata 163 Children’s Village sa tulong ng ball.
 

Paniniwala ng pumanaw na Bantay Bata 163 founder na si Gina Lopez na hanggang may mga taong mabuti ang puso, maraming bata pa ang magkakaroon ng magandang kinabukasan.