Learning continues for Taal Eruption evacuees
Patuloy pa rin ang edukasyon ng mga mag-aaral na nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal sa pamamagitan ng sanib-pwersang proyekto ng SKY at Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na “EduKalidad sa Kalamidad,” isang emergency education assistance program na maglalaan ng TV sets na may kasamang educational materials sa mga evacuation centers.
Ang proyektong ito ay inisyatibo ng SKY at KCFI, kasama ang Department of Education, kung saan makakatanggap ng “Gift of Knowledge” package na may multimedia television set, external hard drive na naglalaman ng higit sa 1,500 educational videos at lampas sa 1,000 digital resources ng curriculum-based lessons para sa K-12 tulad ng English, Math, Science, at Araling Panlipunan. Ipamamahagi ang mga ito sa pitong evacuation centers sa Batangas at Cavite.
“Nais namin na makapagbigay ng tulong na labis na kinakailangan ng kabataang Pilipino at maipadama sa kanila na ginagabayan pa din ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga pangyayari,” ayon sa SKY president at chief operating officer na si Antonio Ventosa.
Maliban sa “Gift of Knowledge” packages, mamamahagi naman ang KCFI ng suportang psycho-social at kaukulang training sa mga teacher sa evacuation centers.
“Dahil sa madalas na pagbayo sa ating bansa ng mga sakuna, nagiging parang normal na pang-araw-araw na sitwasyon na ang mga kalamidad sa ating mga Pilipino. Naniniwala kami na tungkulin nating matuto ng maayos ang kabataang Pilipino sa harap ng ganitong mga pagsubok. Sa pagtagal ng kanilang biglaang pagkatigil sa pag-aaral dahil sa mga kalamidad, mas malaki ang porsyento na tumigil sila ng tuluyan sa pag-aaral,” ayon kay Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) president at executive director Rina Lopez-Bautista.
Kasama ang DepEd, layon ng SKY at KCFI na maihatid kaagad ang Emergency Education Program hindi lamang sa mga evacuation centers sa Taal, ngunit pati na rin sa mga pansamantalang “learning spaces” at evacuation sites sa buong bansa.
Nagkaisa na rin ang DepEd at KCFI sa pag-prodyus ng educational videos na magiging bahagi ng Emergency Education Program. Sa ngayon ang Knowledge Channel Emergency Education Programming (KCEEP) ay ipapalabas tuwing Martes, Huwebes, Sabado, at Linggo para sa mga mag-aaral na nasalanta ng mga kalamidad. Eere ang KCEEP ng delayed episodes ng mga leksyon sa nakaraang dalawang linggo kada Martes at Sabado, at sa nakaraan namang isang linggo kada Huwebes at Linggo.
Matagal na ang kolaborasyon sa pagitan ng SKY at KCFI. Ito ang dating Sky Foundation Inc. noong 1999, kung saan pioneer ang KCFI ng “educational television” na nagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa “serviceable areas” sa bansa. Noong 2016, madaming mas nangangailangan sa bansa ang nabiyayaan ng SKYdirect kits na may “Gift of Knowledge” package. Kasama na dito ang mga pinakamalalayong munisipalidad sa Batanes, Palawan, Negros Oriental, at Compostela Valley.
Ang SKYdirect ay ang satellite TV service ng SKY na nagbibigay sa pamilyang Pilipino ng nationwide access sa mas madaming balita, edukasyon, mga pelikula, entertainment at lifestyle na channels.
Para sa karagdagang impormasyon sa SKY, tumawag lamang sa local SKY office o bumista sa
mysky.com.ph.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa Knowledge Channel Foundation at para mag-donate, bumisita lamang sa
www.knowledgechannel.org.
Para sa updates, pumunta sa @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o sa visit
www.abs-cbn.com/newsroom.