News Releases

English | Tagalog

Blockbuster hit na "Hello, Love, Goodbye," mapapanood na sa Cinema One ngayong Linggo

March 11, 2020 AT 03:31 PM

Blockbuster hit "Hello, Love, Goodbye" debuts on Cinema One this Sunday

The first-ever team-up of KathDen, the movie raked in a worldwide gross revenue of P880 million and broke numerous records.

Ipapalabas ng Cinema One sa unang pagkakataon ang highest-grossing Filipino film of all time na "Hello, Love, Goodbye" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ngayong Linggo (Marso 15).
 
Sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia-Molina, umiikot ang istorya ng pelikula mula sa Star Cinema sa mga pinagdaanang pagsubok nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) bilang mga millennial OFW na na-in love sa isa’t isa habang nagtatrabaho sa Hong Kong.
 
Maraming manonood sa Pilipinas at sa ibang bansa ang napukaw ng "Hello, Love, Goodbye," hindi lang dahil sa magaling na pagganap ng mga bida nito, kundi pati na rin sa makatotohanang pagpapakita nito ng totoong kalagayan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
 
Sa review ni Armando Chavez sinabing niyang kakaiba ang kwentong pag-ibig ng dalawang karakter sa pelikula dahil nakapaloob ito sa mga pinagdaraanang paghihirap ng mga OFW sa Hong Kong.
 
Pinuri naman ng film critic na si Oggs Cruz ang pelikula, at tinawag itong mataas na uri ng palabas na hindi binalewala ang mga problemang ipinakita nito kapalit ng "happy ending."
 
Tumabo ng P880 million sa takilya ang unang pagtatambal ng KathDen, at nagtala rin ng iba't ibang record, gaya na lang ng pagiging unang pelikula na naipalabas sa Jeddah, Saudi Arabia at pagiging highest-grossing Filipino film sa Middle East, Australia, New Zealand, at United Kingdom.
 
Ipaglaban ang iyong pangarap at pag-ibig sa "Hello, Love, Goodbye," na unang beses mapapanood sa Blockbuster Sundays ng Cinema One ngayong 7pm ng Linggo (Marso 15). Mapapanood ang Cinema One sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE