News Releases

English | Tagalog

Debut single ni Vance na "Tama" mapapakinggan na

March 23, 2020 AT 04:21 PM

Vance makes recording debut with "Tama"

Make the right choice and listen to Vance’s debut single “Tama” on various digital streaming platforms.

Sa pagharap ng mga tao sa matinding pagsubok hatid ng kasalukuyang krisis pangkalusugan, ipinapaalala ng up-and-coming star na si Vance Larena na manampalataya kahit sa panahon ng kahinaan sa kanyang debut song sa ilalim ng Star POP na “Tama.”
 
“My first single is finally here! Pangarap lang ito noon, nandito na ngayon!,” shared Vance. “This song is for every Filipino. Munting ambag sa gitna ng pinagdadaanan natin ngayon. Hope you’ll love it!” sabi ni Vance.
 
Isinulat at in-arrange ni David Dimaguila at iprinodyus ni Star POP head Rox Santos ang kanta, na tumatalakay sa halaga ng pagtitiwala, lalo na kapag may nag-aakusa ng panloloko sa isang relasyon.
 
Pero ang mensahe na gustong ipahatid ng kanta ay kung paanong dapat na palaging piliin ng mga nagmamahalan ang magtiwala sa kabila ng mga pagdududa, at na manalig sa plano ng Diyos.
 
Kahit na unang opisyal na kanta ni Vance ang “Tama,” hindi naman siya bago sa pagkanta, dahil noong 2018 ay bumida na siya sa musical film na “Bakwit Boys” at sa musical theatre adaption ng “Noli Me Tangere” ni Jose Rizal na pinamagatang “Kanser.”
 
Ginampanan din niya ang lead role sa maraming orihinal na Filipino musical plays ng Philippine Stagers Foundation tulad ng  “San Vicente,” “Enzo Santo,” “Troy Avenue,” “Ako Si Ninoy,” at “Katips,” at pati na rin ang karakter ni Zelim sa “Orosman at Zafira” ng Dulaang UP.
 
Nakuha rin ni Vance ang paghanga ng mga manonood dahil sa magaling na pagganap niya sa unang Netflix original Filipino film na “Dead Kids.” Mapapanood din siya sa dalawang original offering ng iWant na “Story of My Life” at “Hush.”
 
Pakinggan ang debut single ni Vance na “Tama” sa iba’t ibang digital streaming platform. Para sa iba pang detalye, i-like ang StarPOP PH sa www.facebook.com/starpopph, at i-follow ito sa Instagram (@starpopph). Para sa updates, i-follow @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE