News Releases

English | Tagalog

Kapamilya artists, may hatid na pag-asa at lakas sa kantang "Ililigtas Ka Niya"

March 30, 2020 AT 02:13 PM

Kapamilya artists bring hope and strength in "Ililigtas Ka Niya"

The song royalties, from its online views and streams, will be donated to the “Pantawid ng Pag-ibig" campaign.

Bilang suporta sa Pantawid ng Pag-ibig” program ng ABS-CBN

Nagsanib-pwersa ang mga mang-aawit ng ABS-CBN para maghatid ng lakas at suporta sa awiting “Ililigtas Ka Niya” at inihahandog nila ang royalties na matatanggap nila sa recording ng kanta para sa programang Pantawid ng Pag-ibig.

Muling nagbigay si Gary Valenciano ng isang makabagbag damdaming interpretasyon ng nabanggit na prayer song kasama ngayon ang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto, Ebe Dancel, Erik Santos, Inigo Pascual, Janella Salvador, Jason Dy, Jaya, Jayda, Jay R, Jed Madela, Jeremy G, Jessa Zaragoza, Jona, Juris, Kyla, Lani Misalucha, Lea Salonga, Marlo Mortel, Martin Nievera, Moira dela Torre, Morissette, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez, Toni Gonzaga, Yeng Constantino, Zephanie, at Zsa Zsa Padilla.

Hatid ng awitin ang mensahe na isantabi ang pag-aalala at takot sa panahon ng krisis at alalahanin ang pangako ng Panginoon na ililigtas Niya ang mga tao mula sa anumang mabigat na suliranin. Ito ay isinulat at prinodyus ni Jonathan Manalo sa ilalim ng Star Music.

Mapupunta naman ang kikitain nito—mula sa royalties ng online views at streams—sa programang “Pantawid ng Pag-ibig” na inilunsad ng ABS-CBN upang makalikom ng pondong pangsuporta sa mga Pilipinong apektado ang kabuhayan dahil sa community quarantine.

Gagamitin ang pondo na naipon sa pagbili ng mga pagkain at iba pang basic necessities na siyang ipapaabot sa mga Kapamilya sa pamamagitan ng tulong ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila. 

Unang ipinalabas sa “ASAP Natin ‘To” noong Linggo ang music video ng “Ililigtas Ka Niya” na sinimulan ni Gary V sa isang dasal.

Sa longest-running action drama series sa telebisyon na “FPJ’s Ang Probinsyano” naman unang napakinggan ang orihinal na bersyon ng kanta. Hinirang din itong Best Inspirational Recording sa nakaraang Awit Awards.

Pakinggan ang “Ililigtas Ka Niya” sa iba’t ibang music streaming platforms at panoorin ang music video nito sa Star Music YouTube channel. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE