News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, inilunsad ang digital concert series na "All Music: Artists at Home Sessions"

April 03, 2020 AT 04:43 PM

ABS-CBN stages digital concert series in "All Music: Artists at Home Sessions"

Featuring over 60 artists, viewers and listeners at home will be treated to free musical performances from multiple artists every night at 8pm.

Kapamilya singers, sama-sama sa pagsuporta sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign…

Magsasama-sama ang mga singer at banda ng ABS-CBN Music sa “All Music: Artists at Home Sessions,” isang online daily concert series na layuning makalikom ng karagdagang donasyon para sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign.

Handog ng mahigit 60 artist sa mga manonood at tagapakinig sa bahay ang libreng musical performances 8pm gabi-gabi sa Facebook at YouTube pages ng Star Music, MYX, MOR 101.9, One Music PH, and TFC, pati na sa iWant.

Inumpisahan na nina “Asia’s Nightingale” Lani Misalucha, DJ/singer Ana Ramsey, at singing sensation Jake Zyrus, kasama ang host na si DJ Cha Cha nitong Miyerkules (April 1) ang programa, na sinundan ng mga batang Pinay vocalists na sina Zephanie, Ianna Dela Torre, at Jayda nitong Huwebes (April 2) kasama naman si MYX VJ Ai bilang host.

Tampok din ang iba pang mga mang-aawit ngayong linggo sa “All Music: Artists at Home Sessions,” gaya nina Miguel Odron, JMKO, at Kakai Bautista kasama si DJ Jhai Ho sa Biyernes (April 3); Janine Berdin at Ryle Santiago kasama si DJ Maki Rena sa Sabado (April 4); at sina Kyle Echarri, KD Estrada, at Sam Mangubat kasama si MYX VJ Dani sa Linggo (April 5).

Dapat ding abangan sa mga susunod na araw sina Angeline Quinto, Dingdong Avanzado, Erik Santos, Jamie Rivera, Jessa Zaragoza, Inigo Pascual, Kiana Valenciano, Moophs, Morissette, at iba pang Kapamilya artists.

Kamakailan lang, nagsama-sama rin ang mga Kapamilya singer sa pag-awit ng “Ililigtas Ka Niya,” kung saan ang makukuhang royalties mula sa recording ng kanta ay ido-donate rin sa “Pantawid ng Pag-ibig” program.

Ang mga cash donations para sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign—na layuning magbigay ng pagkain para sa mga pamilyang hindi makapagtrabaho dahil sa enhanced community quarantine—ay pwedeng ihulog sa mga bank account ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc.-Sagip Kapamilya: BPI peso account 3051-11-55-88, Metrobank peso account 636-3-636-08808-1, BDO peso account 0039301-14199, Philippine National Bank peso account 1263-7000-4128, and BDO dollar account 1039300-81622.

Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE