News Releases

English | Tagalog

"Dudera" ng Emotikons, nanguna sa Pinoy Reggae Playlist ng Spotify

April 30, 2020 AT 02:22 PM

Emotikons' sophomore single "Dudera" rules Spotify's Pinoy Reggae Playlist

Chill out and listen to Emotikons’ quirky new track “Dudera” on Spotify, YouTube, and other digital streaming platforms.

Pasok sa Pinoy Reggae playlist ang nakakaaliw na tunog na hatid ng reggae band na Emotikons sa bago nilang kanta na “Dudera,” tungkol sa mga pagdududa sa isang relasyon.
 
“Nagbase lang kami sa kung ano yung common na nakikita namin sa realidad. Nakita namin na usually pinag-aawayan ng mga magpartner ang pagdududa, lalung-lalo na sa aming mga banda,” kwento ni Marco Nardo, lead vocalist ng Emotikons.
 
Bida sa pinakabagong single mula sa DNA Music ang kakaibang ritmo at mabagal na tempo na naghahatid ng magaang pakiramdam sa mga tagapakinig.
 

Isinulat ng mga myembro ng banda ang “Dudera” at iprinodyus naman ito ng Pinoy Klasik Entertainment (PKE). Follow-up ito sa debut song ng grupo na “P.H.T. (Pinagtagpong Hindi Tinadhana),” na sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 200,000 streams sa Spotify.
 
Nagmula sa Sablayan, Occidental Mindoro ang Emotikons at kinabibilangan din nina Ronnel Alegre bilang rhythm guitarist at second vocals, Darwin James Mabolo bilang drummer, second voice at beatbox, Melvin Mendoza bilang lead guitarist, Lourence Fernandez bilang bassist, at Elmar Abalos bilang percussionist.
 
Nabuo noong 2014 ang grupo na hangarin lang noong una na sumali sa mga band contest, pero kinalaunan, nagsikap na rin sila para mas makilala sa industriya at makapagbigay ng karangalan sa mga kapwa nila Mindorenian.
 
Sa ngayon, bahagi na ang Emotikons ng DNA Music, isang record label sa ilalim ng ABS-CBN Music na layuning paangatin ang industriya ng pagbabanda at linangin ang talento ng magagaling na rock, alternative, at reggae artists.
 
Mag-chill na kasama ang Emotikons at pakinggan ang bago nilang kanta na “Dudera” sa SpotifyYouTube, at iba pang digital streaming platforms. Para sa updates, i-follow ang DNA Music (@dnamusicph) sa Facebook at Instagram.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE