Even in the middle of a pandemic, Filipinos continue to inspire with stories of hope, hard work, and unity as shown by the budding entrepreneurs and documentarists featured on the Facebook pages of ABS-CBN programs “My Puhunan” and “#NoFilter.”
Balikan online ang malalaking isyung tinalakay sa “Failon Ngayon”
Sa gitna ng pandemya, marami pa ring kwento ng pag-asa, pagsusumikap, at bayanihan ang mga Pilipino. Patunay dito ang mga negosyante at kabataang ibinibida ngayon ng “My Puhunan” at “#NoFilter” online sa Facebook.
Sa “Kuwentuhan at Kumustahan sa My Puhunan” ni Karen Davila, tampok tuwing Lunes hanggang Biyernes ang iba’t ibang kuwento ng mga Pilipinong nagsusumikap mag-negosyo at kumita sa gitna ng pandemya. Mula sa karanasan ng isang bone cancer survivor na ngayon ay isang matagumpay nang negosyante, may kumustahan din si Karen kasama ang mga empleyadong naka “work from home” at binabalanse ang trabaho at pag-aalaga ng pamilya. Inspirasyon din ang istorya ng kababayan nating OFW mula sa Greenland sa kanyang diskarte sa negosyo sa ibang bansa. At sa usapin ng pera at negosyo naman, may panayam din sila sa mga eksperto tulad ni Chinkee Tan.
Sa “#NoFilter” naman, maraming mapagpipiliang maiikling dokyu na gawa ng mga estudyanteng nangangarap na maging mamamahayag tulad ni Jeff Canoy, na muling nagwagi sa New York Festivals para sa mobile documentary na “Tao Po.” Gamit din ang kanilang smartphones, binuo ng mga lumahok sa ginanap na libreng #KuwentongQuarantine Online Workshop ng “#NoFilter” ang kanilang sariling mga dokumentaryo, na mapapanood ngayon sa Facebook page ng programa.
Nilahad ng isang kalahok ang totoong kalagayan ng iba’t ibang Pilipino ngayong COVID-19 pandemic, habang kwento ng mga na-stranded na estudyante sa Baguio na tumutulong sa frontliners naman ang paksa ng isang dokumentaryo.
Samantala, binabalikan naman ng “Failon Ngayon” ang mga isyung dapat malaman ng bawat Pilipino sa Facebook page nito, tulad ng episode tungkol sa teenage pregnancy at diskwento sa gamot.
Huwag magpahuli sa mga kwentong magbibigay inspirasyon at magbubukas sa puso at isip mula sa ABS-CBN News and Current Affairs. Sundan sa Facebook ang “My Puhunan” (fb.com/MyPuhunan), “#NoFilter” (fb.com/nofilterabscbn), at “Failon Ngayon” (fb.com/Failon.Ngayon). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.