News Releases

English | Tagalog

Kim at Yam, mas titindi ang banggaan sa pagbabalik ng “Love Thy Woman” sa Kapamilya Channel

June 16, 2020 AT 07:36 PM

Darkest family secrets revealed in “Love Thy Woman's” comeback via Kapamilya Channel

The series has also spawned the digital talk show “Love Thy Chika” on OKS or oks.abs-cbn.com, where Ruffa chats with her “Love Thy Woman” co-stars in quarantine and streams every Sunday at 12 NN.

Nagbabalik ang mainit na agawan sa pagmamahal ng magkapatid na sina Jia (Kim Chiu) at Dana (Yam Concepcsion) sa sunud-sunod na paglantad ng mga sikreto sa “Love Thy Woman,” na mapapanood na sa Kapamilya Channel.
 
Muling mauungkat ang mga kasalanan ng nakaraan sa pag-amin ni Harry (David Chua) kina Adam (Christopher de Leon) at Kai (Sunshine Cruz) na buhay pa ang anak ni Jia, at ibinenta niya ito kay Lucy (Eula Valdes) limang taon na ang nakakaraan. Ang sanggol namang ito ang inampon at ipinalaki ni Dana bilang anak niyang si Michael (JJ Quilantang).
 
Sa takot na mawala ang kanyang asawa’t anak, itatanggi ni Lucy ang mga paratang ni Harry, ngunit kumbensido na si Adam na ipa-DNA test sina Michael at Jia.
 
Sa unti-unting paglabas ng katotohanan, madidiskubre ni Jia na buhay pa ang kanyang anak kay David, at na kakailanganin niyang aminin ito sa kanya pati na kay Dana.
 
Samantala, sa pagbuhos ng mga problema sa mga Wong, aayusin naman na ni Amanda (Ruffa Gutierrez) ang kanyang plano na kamkamin ang kanilang negosyo at makisuot sa kanilang pamilya.
 
Paano kakayanin nina David, Danaat Jia ang mabigat na katotohanang itinago mula sa kanila? Sino kina Jia at Dana ang mas may karapatang maging ina kay Michael?
 
Sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng, Andoy Ranay, at Jojo Saguin ang “Love Thy Woman,” na isa sa tatlong ABS-CBN dramas na nagpatuloy ang produksyon nang may striktong safety protocols matapos ang pagluwag ng community quarantine, kasama na ang "FPJ's Ang Probinsyano" at "A Soldier's Heart."
 
Nagbigay-daan din ang serye para sa isang digital talk show na “Love Thy Chika” sa OKS o oks.abs-cbn.com, kung saan makikipagkamustahan si Ruffa sa kanyang “Love Thy Woman” co-stars at mapapanood tuwing Linggo, 12 NN.
 
Panoorin ang “Love Thy Woman,” Lunes hanggang Biyernes, 2:30 ng hapon, sa Kapamilya Channel (SkyCable ch 8 SD and 167 HD, Cablelink ch 8, at G Sat ch 2). Mapapanood naman ang livestreaming ng Kapamilya Channel at mapapanood ang mga programa nito sa iWant app at sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, and Instagram.