News Releases

English | Tagalog

"Failon Ngayon," nagwagi ng tatlong parangal sa 14th Gandingan Awards

July 28, 2020 AT 06:00 PM

"Failon Ngayon" wins big in the 14th Gandingan Awards

"Failon Ngayon" was hailed as Gandingan Awards 2020's Most Development-oriented Public Service Program as well as the Most Development-oriented Environment Program, while Ted Failon was honored with the Gandingan ng Kalikasan distinction.

Ted Failon, kinilala para sa ginawang Manila Bay dokyu

Patuloy pa rin sa pagtanggap ng mga pagkilala ang programang “Failon Ngayon” para sa mga pagsisikap nitong maipaliwanag sa publiko ang mga isyu sa ating bansa.

Nanalo ng tatlong parangal sa 14th Gandingan Awards kamakailan lang ang current affairs program mula sa ABS-CBN, kabilang ang Most Development-oriented Public Service Program at Most Development-oriented Environment Program para sa dokyumentaryong “Manila Bay: Rehabilitasyon o Reklamasyon.”  Samantala, tinanghal naman bilang Gandingan ng Kalikasan ang anchor ng programa na si Ted Failon para sa nasabing dokumentaryo.

Sa nagwaging dokyu, inimbestigahan ng programa ang mga plano para sa rehabilitasyon at reclamation sa Manila Bay, isang natural na daungang matatagpuan sa kapitolyo ng bansa. Tinalakay rin dito ang pagsusumikap ng publiko upang maisalba ang lugar na isang sikat na pasyalan at isa ring key biodiversity area ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Lubos naman ang pasasalamat ni Failon tungo sa mga nag-organisa ng Gandingan Awards, ang UP Community Broadcasters Society Inc. mula sa University of the Philippines Los Baños, para sa pagkilala sa kanilang dokyu na pinagsumikapan nila ng tatlong buwan. Aniya, umaasa silang ipagpapatuloy ang kanilang ugnayan sa organisasyon pagdating sa pagaalaga sa likas-yaman ng bansa.

"Sa gitna ng aming pagod, sa gitna po ng lahat ng pagsubok na amin pong inabot para po mabuo ang naturang dokyumentaryo… ang parangal na ito ay bonus po sa aming lahat at nakapagbibigay po sa amin ng inspirasyon upang gumawa ng makabuluhan na mga dokyumentaryo," pahayag ni Failon sa ipinalabas na video message.

Nasa ika-14 na taon na ang Gandingan Awards na may layuning kilalanin ang mga programa at personalidad sa midya na nagpapahalaga sa kaunlaran ng mga komunidad. Sa tema nitong “Midya: Kakampi ng Bayan sa Laban Para sa Katarungan,” inialay nila ang seremonya para sa mga miyembro ng midya na nakararanas ng pagsubok sa kanilang pagtupad sa tungkulin bilang mamamahayag. Isa na rito ang ABS-CBN.

Para sa updates, i-follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.