News Releases

English | Tagalog

Ruel Bayani nanawagan sa local creators na sumali sa " Asian Academy Creative Awards'"

August 11, 2020 AT 01:37 PM

Patuloy na tatangkilikin sa ibang bansa kahit sa panahon ng krisis ang Filipino artists na magwawagi sa Asian Academy Creative Awards (AAA), ayon kay ABS-CBN head of Scripted and Narrative Programs na si Ruel Bayani.

 

“Despite the challenges that the creative industry faces, content from our country will continue to be promoted and showcased in the global arena through the awards,” sinabi ni Bayani, ang Asian Academy Creative Awards ambassador para sa Pilipinas.

 

Nagpapaalala ang AAA sa mga manonood sa buong mundo na tuloy pa rin ang paglikha ng Pilipino sa kabila ng krisis, iginiit pa ni Bayani.

 

Hinikayat niya ang local creators na sumali sa darating na Asian Academy Creative Awards dahil inextend and deadline ng submission of entries sa August 15 nang walang late fees.

Kinikilala ng AAA ang galing sa paglikha sa television, digital, streaming, at bagong teknolohiya.

 

Batid naman ng AAA Chairman of Awards sa 2020 at WarnerMedia executive na si Ricky Ow na malaking balakid sa industriya ang pandemya kung kaya’t minabuti nilang mag-extend ng deadline.

 

Ilan sa mga nagwagi sa AAA na mula sa Pilipinas ay ang “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN (“MMK”), ang longest-running drama anthology sa Asya, na kinilala bilang “Best Single Drama/Telemovie” noong 2018 at ang dating ANC “Market Edge” anchor na si Cathy Yang, na kinilala naman bilang Best News or Current Affairs Presenter/Anchor noong 2019.

 

Para sa karagdagang impormasyon sa entry submission, puntahan lamang ang AAA website na www.asianacademycreativeawards.com.