News Releases

English | Tagalog

Karen Davila, magbabalik sa “TV Patrol,” Pia Gutierrez, papasok sa “The World Tonight”

October 08, 2021 AT 04:45 PM

Karen Davila returns to “TV Patrol,” Pia Gutierrez joins “The World Tonight”

Karen joins fellow seasoned news anchors Henry Omaga-Diaz and Bernadette Sembrano-Aguinaldo in leading the 34-year old news program that is committed in bringing fair and accurate news to as many Filipinos, especially in this critical time for our country.

Magbabalik ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila bilang isa sa mga anchor ng “TV Patrol” simula Lunes (Oktubre 11) para mas palakasin ang misyon ng newscast na maglingkod sa mga Pilipino saan man sila sa mundo.  

Sina Karen at ang kapwa batikang news anchors na sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang mangunguna sa flagship newscast ng ABS-CBN na 34 taon nang naglilingkod at naghahatid ng balita at impormasyong mahalaga sa bawat Pilipino lalo na sa kritikal na panahon ngayon. 

Unang naging bahagi ng newscast si Karen noong 2004 hanggang 2010. Kabilang din dati ang kasalukuyang anchor ng "Headstart" sa ANC sa late night newscast ng ABS-CBN na “Bandila” bago ang broadcast shutdown noong 2020. 

Samantala, ang senior reporter na si Pia Gutierrez naman ang bagong makakasama ni Tony Velasquez sa “The World Tonight” kapalit ni Karen sinmula rin Lunes (Oktubre 11).  

Bahagi si Pia ng Malacanang Press Corps at nagbabalita tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte. Nagsimula siya sa regional station nga ABS-CBN sa Baguio noong 2006 bago pumasok sa ABS-CBN News and Current Affairs noong 2010. 

Manood ng  “TV Patrol” kasama sina Henry Omaga-Diaz, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, at Karen Davila tuwing Lunes hanggang Biyernes, 6:30 pm sa ANC at TeleRadyo sa cable at satellite TV, overseas via TFC, at online sa ABS-CBN News YouTube Channel, news.abs-cbn.com, o makinig sa audio streaming sa ABS-CBN Radio Service App. 

Tutukan din ang “The World Tonight” nina Tony Velasquez at Pia Gutierrez tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9 pm sa ANC at 10:40 pm sa Kapamilya Channel at napapanood rin sa iWantTFC, TFC, at iba pang ABS-CBN News digital platforms. 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE