News Releases

English | Tagalog

Albie, Alexa, Anji, at KD, pwedeng ma-evict sa "PBB Kumunity" ngayong Sabado

November 09, 2021 AT 02:57 PM

Albie, Alexa, Anji, and KD in danger of getting evicted in "PBB Kumunity"

Who among Kapamilya stars Albie Casiño, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, and KD Estrada will leave the PBB house this Saturday (November 13) after being nominated by their fellow housemates for eviction in “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition?


Teen Edition, nagsimula na ang online auditions 
 

Ang Kapamilya stars na sina Albie Casiño, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, at KD Estrada ang bumuo sa pangalawang batch ng celebrity housemates na nominado para sa gaganaping eviction night ng “PBB Kumunity Season 10” sa Sabado (Nobyembre 13). 

Nanguna si Albie sa may pinakamaraming boto (19 puntos) na sinundan ni KD (11 puntos), habang tig-apat na puntos naman sina Alexa at Anji. Para bumoto via SMS, i-text ang BBS <name of housemate> o BBE <name of housemate> at i-send sa 2366. Para bumoto sa Kumu, pumunta sa Kumu Campaigns at pillin ang “vote to save” o “vote to evict.”  

Una namang napalabas sa bahay ni Kuya si John Adajar, ang “Mr. Mixed Martial Arts Ama ng Laguna,” matapos makakuha ng pinakamababang pinagsamang save at evict votes (0.30%), hanbang naligtas sa unang eviction night sina KD (45.04%) at Karen Bordador (18.44%).  

Sa paglabas ni John, pumasok naman sa “PBB” house ang Kumu streamer na si Jordan Andrews (Ang Musical Dreamer ng London) upang magdagdag ng musika sa loob ng bahay.  

Para naman sa kanilang weekly task, bigo ang housemates na mapatayo at mabalanse ang lahat ng wooden blocks sa loob ng takdang oras sa tumba table. Pero kahit talunan, mas nangibabaw ang puso at pagtutulungan ng housemates. 

Humupa na rin ang tensyon sa pagitan nina Albie at Alexa matapos humingi ng tawad at magkausap ang dating “Init sa Magdamag” stars. Humingi na rin si Albie ng pasensya kina Brenda at Shanaia dahil nataasan niya rin ito ng boses sa pag-amin niya sa programa na mayroon siyang ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder).  

Samantala, bukas na ang online auditions para sa “PBB Kumunity Teen Edition.” Iniimbitahan ni Kuya ang lahat ng 15 hanggang 19 anyos na kabataang Pinoy na magpadala ng kanilang audition video. I-download ang Kumu at i-post o i-record ang audition video via Kumu klips, i-post ang video sa Kumu timeline gamit ang #PBBKUMUTEENS, i-share ito sa social media gamit pa rin ang #PBBKUMUTEENS, at i-fill out ang parental consent form sa (forms.abs-cbn.com/PBBKumuTeens). Hanggang Disyembre 31 ang audition period. 

Sino kaya ang susunod sa yapak ni John bilang pangalawang evictee? Ano ang panibagong hamon ni Kuya sa housemates? 

Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Celebrity Edition sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing 5:45 pm mula Lunes hanggang Biyernes at ang replay nito tuwing 11:10 pm ng gabi. Eere naman ito tuwing 7 pm kada Sabado at Linggo. Samantala, mapapanood ang 24/7 livestream ng “PBB Kumunity” sa Kumu.   

Para sa updates at iba pang anunsyo mula kay Kuya, tutok lang sa “PBB Kumulitan” online show sa Kumu at Facebook kasama sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, at Melai Cantiveros tuwing 5:30 pm mula Lunes hanggang Biyernes at kasama si Sky Quizon tuwing 6:30 pm ng weekend. May “Kumunity G sa Gabi” rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Kumu kasama si Robi Domingo.  I-follow din ang @pbbabscbntv sa Facebook at Instagram at @pbbabscbn sa Twitter at kumu.  Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.