Airing soon on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, and A2Z
Maghahatid ng kilig ang inaabangang tambalan ng original Dao Ming Si at Shan Chai ng bagong henerasyon nina Jerry Yan at Shen Yue sa sikat na 2020 series na “Count Your Lucky Stars” dahil ihahatid ito ng ABS-CBN sa mga Pilipino simula ngayong Pebrero.
Unang mapapanood ng mga Pinoy ang serye sa iWantTFC streaming service nang libre ngayong Lunes (Pebrero 22), samantalang ipapalabas din ito sa Kapamilya Channel para sa cable at satellite TV viewers, sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube.
Magsisimula ang kwento kay Calvin Lu (Jerry), isang gwapo at respetadong fashion designer na kilala dahil sa kanyang angking talento at mamahaling porma sa kabila ng kanyang pagkasuplado. Si Andi Tong (Shen) naman ay isa ring fashion designer ngunit matagal nang hindi umaasenso sa buhay dahil sa sunod-sunod na kamalasan na dumarating sa kanya.
Nakatakda namang magkapalit ang kanilang kapalaran at mag-iiba ang mundo nilang dalawa dahil sa isang hindi inaasahang aksidente na pagtatagpuin sila. Habang puro kamalasan ang pagdadaanan ni Calvin, uulanin naman ng swerte si Andi at biglang aabante ang career.
Sa pagkakabaliktad ng kanilang kalagayan, posible rin kayang mauwi sa pag-iibigan ang kanilang tadhana?
Libreng mapapanood sa Pilipinas ang Filipino-dubbed na “Count Your Lucky Stars” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com, na maglalabas ng dalawang bagong episodes kada araw tuwing 8 PM simula Lunes (Pebrero 22) hanggang Marso 10. Maaari din itong panoorin ng iWantTFC users sa mas malaking screen dahil available na rin ito sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.