Dadamayan ng "Iba Yan" ang ilang kababayan nating nakakaranas ng depresyon sa pamamagitan ng isang support training webinar na gaganapin matapos ang pag-ere ng programa ngayong Linggo (Pebrero 21).
Tampok sa webinar na "May Kasama Ka" na mapapanood sa Facebook page ng "Iba Yan" ang ilang personalidad at mental health advocates na sina TJ Manotoc, Antoinette Taus, at Agot Isidro at si Bianca Gonzalez na siyang magsisilbing host.
Makakasama rin nila ang ilang guest speakers mula sa Department of Health at Philippines Mental Health para makapagbigay ng Mental Health Awareness para sa mga Kapamilya.
Samantala, mga kwento ng mga Pilipinong humarap sa hamon ng mental disorder ang mapapanood sa “Iba Yan.” Kasama na dito si Ricky Ducas, ang nagsimula ng Philippines Mental Health Association Anxiety and Depression Support Group na nagbibigay suporta sa mga kabataan na nangangailangan ng tulong mula sa mental health professionals.
Na-diagnose ito na may Panic-Anxiety Disorder dala ng mga mapapait ng karanasan niya sa buhay. Nang bumuti ang kanyang kalagayan, nagbigay siya ng talk sa isang paaralan kung saan may isang bata ang nag-abot sa kanya ng notebook na naglalaman ng suicide notes. Mula dito ay naisipan niya gumawa ng support group.
Makikilala rin ng viewers sina Janice Himmoldang, isang single mother ng isang bata na may special needs, at si Nathan Santos, isang events host, magician,, magician, at parrot trainer na na-diagnose ng Bipolar Disorder Type II matapos mamatayan ng ina dahil sa sakit na kanser. Alamin ang kanilang pinagdaanan at kung paano nila nalagpasan ang kanilang sakit ngayong weekend.
Napapanood ang “Iba Yan” tuwing Linggo, 6:30 PM sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live, samantalang 6:30 PM naman sa A2Z Channel.
Sundan ang “Iba Yan!” sa facebook.com/IbaYanPH, twitter.com/ibayanph, at instagram.com/ibayanph. Maaari rin mag-join sa Facebook Community Group ng “Iba ‘Yan”: facebook.com/groups/ibaYanPH/
Para sa iba pang updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram, o magpunta sa www.abscbnpr.com