News Releases

English | Tagalog

Paulo, bubuksan muli ang puso ni Ina sa "Ampalaya Chronicles" ng iWantTFC

March 18, 2021 AT 12:05 PM

Paulo helps Ina recover from heartbreak in iWantTFC's "Ampalaya Chronicles"

“Me & Mrs. Cruz” episode streams for free on March 26

Isang mapait na nakaraan ang magtatagpo kina Ina Raymundo at Paulo Angeles sa kwento nilang puno ng hugot sa iWantTFC original anthology series na “Ampalaya Chronicles,” na mapapanood nang libre sa Marso 26.

Pangatlong episode ang “Me & Mrs. Cruz” kasunod ng “Adik at “Labyu Hehe,” kung saan mabubuo ang isang malalim na samahan sa pagitan nina Eva Cruz (Ina) at Caloy (Paulo) sa kabila ng kanilang 23-taon na age gap.

Si Caloy ay isang masiyahin at palabiro na delivery boy ng isang flower shop habang si Eva naman ay isang sosyal na babaeng mahilig gumimik para makalimutan ang lungkot sa pagkawala ng kanyang asawa.

Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, nagkakapareho naman sila sa pinagdaanang mapait na pag-iibigan noon. Dito rin maaakit si Caloy sa pagka-misteryoso ni Eva at susubukan niyang pawiin ang lungkot nito.

Magtagumpay kaya si Caloy sa pagtulong niya kay Eva? Mauuwi nga ba sa pagmamahalan ang kanilang samahan?


 

Ang “Me & Mrs. Cruz” ay batay sa pyesa ni Jerome Dawis at kabilang din sa cast sina Kat Galang, Kristof Garcia, Mark Wei, JM Mendoza, Sophie Reyes, Nicki Morena, at Ms. Frances Makil-Ignacio.

Ang episode naman ay mula sa direksyon ni Real Florido, produksyon ng Firestarters Production, at isinulat ni Bridgette Ann Rebuca. Ang seryeng “Ampalaya Chronicles” ay base sa best-selling book at stage performances ng “spoken word” na “Ampalaya Monologues” ni Mark Ghosn.

Mapapanood nang libre sa buong mundo ang “Me & Mrs. Cruz,” kabilang na rin ang unang dalawang episode ng serye na “Adik” at “Labyu Hehe,” sa Marso 26 sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang mga ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, at Telstra TV para sa users sa labas ng Pilipinas. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.  Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.