News Releases

English | Tagalog

“Almost Paradise,” libreng mapapanood na sa Ingles at Filipino sa

April 21, 2021 AT 03:46 PM

“Almost Paradise,” now available in English and Filipino on iWantTFC  for free

Aside from the Filipino-dubbed version of the crime drama series, iWantTFC subscribers in the country can now watch the show for free in its original English dubbing as it was first shown in America in 2020. All they have to do is download the iWantTFC app or visit iwanttfc.com.

Raymond, Lotlot, at AC, pang-international ang husay

Maaari nang subaybayan ng mga manonood sa Pilipinas ang maaksyong kwento ng dating U.S. secret agent na si Alex Walker sa “Almost Paradise” sa Ingles o Filipino.

Bukod sa Filipino-dubbed version ng crime drama series, libre na ring mapapanood sa Pilipinas ang orihinal na bersyon nito, na unang ipinalabas sa Amerika noong 2020, kapag nag-download ng iWantTFC app o binisita ang iwanttfc.com.

Tampok sa episode ngayong Linggo (Abril 25) ng de-kalibreng produksyon mula sa ABS-CBN at Electric Entertainment ang ilan pang Pilipinong aktor na tunay na may world-class na talento na sina Raymond Bagatsing, Lotlot De Leon, AC Bonifacio, at Ruth Alferez.

Gagampanan ni Raymond, na nagbida rin sa isa pang international project ng ABS-CBN na “Quezon’s Game,” si Detective Rabara, isang bigating imbestigador na may mahalagang papel sa buhay ni Detective Kai (Samantha Richelle). Si Lotlot naman si Gloria ang bestfriend ng ina ni Kai, na gagampanan naman ni Ruth Alferez. Si AC, ang multi-talented young star na napanood kamakailan lang sa hit international series na “Riverdale,” ang gaganap bilang batang Kai.

Si Rabara kaya ang maging susi sa bagong kaso ng krimen sa isla? Ano ang madidiskubre nina Alex (Christian Kane) at Detective Ernesto (Art Acuna) tungkol sa nakaraan ni Kai sa kanilang sariling pag-iimbestiga? Alamin iyan sa ikaanim na episode ng unang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.

Pinamagatang “Rise of the Kalangay,” isinulat ito ni Sean Presant at dinirehe ng batikang Pilipinong direktor na si Hannah Espia. Bukod kay Hannah, nag-direk din para sa serye ang kapwa niya Pinoy filmmakers na sina Dan Villegas, Francis Dela Torre, at Irene Villamor.

Huwag palampasin ang mas tumitindi pang aksyon sa “Almost Paradise”  tampok ang galing ng Pilipino sa likod at harap ng kamera tuwing Linggo, 8:45 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube, at iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com).

Mapapanood rin sa Pilipinas ng paulit-ulit ang pinakabagong episode ng libre sa loob ng pitong araw sa KOL sa YouTube. Sa iWantTFC naman libreng mapapanood ang iba pang umereng episode sa Ingles at Filipino.  I-follow @AlmostParadiseTV at @AlmostParadisePH sa Facebook. Sundan din ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.