News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel may bagong online shows sa unang anibersaryo ng 'Knowledge on the Go'

May 12, 2021 AT 04:39 PM

Knowledge Channel adds more online shows as 'Knowledge on the Go' turns one

Para tuloy-tuloy ang learning, makisama sa "School at Home" ng Knowledge Channel

Mapapanood sa Knowledge Channel Facebook page at kumu SeenZone channel 

May tsansa pa ring matuto ang mga bata ngayong summer dahil dinagdagan pa ng Knowledge Channel ng bagong educational shows ang mga mapapanood sa Facebook page and kumu's SeenZone channel nito sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng "Knowledge on the Go" ni Kuya Kim.     

Maliban sa ng "Knowledge on the Go" ni Kuya Kim na mapapanood tuwing Miyerkules, mas mahahasa ng mga bata ang kanilang pagbasa kasama si Teacher Michelle sa "Wikaharian Online World" habang Math hacks naman ang matututunan kasama si "NumberBender" tuwing Lunes.   

Learning tips naman ang dala ng "Team Lyqa" tuwing Martes, habang mas pinasaya naman ang Math kasama si Kuya Robi Domingo sa "MathDali Live," pagkatapos ng "Knowledge on the Go." 

Tuturuan din ng financial literacy ang mga magulang at mga anak nila sa "Money Lessons w/ FQ Mom and Sons" tuwing Huwebes, at makapag-bonding sa art activities kasama si Teacher Precious sa "Art Smart" tuwing Biyernes.   

Bilang tulong sa mga kabataang ipagpatuloy ang pag-aaral at pag-suporta sa mga guro sa kasagsagan ng pandemya, ipinalabas ng Knowledge Channel ang mga educational program nito online noong Mayo 2020, kabilang na ang "Knowledge on the Go."  

Nitong nakaraang Abril, nag-celebrate din ng first anniversary ang "Wikaharian Online World" kung saan namigay ito ng storybooks at smartphones sa mga masuwerteng mag-aaral. Inimbitahan din si Kristine Canon, ang may akda ng mga sikat na Adarna storybooks na "Pilong Patago-tago" at "Sampung Magkakaibigan" para magbigay inspirasyon sa mga batang gustong magsulat bilang pagdiriwang sa National Literature Month. 

Para tuloy-tuloy ang learning, makisama sa "School at Home" ng Knowledge Channel. I-like at follow ang Facebook Page (fb.com/knowledgechannel) at mag-subscribe sa YouTube channel. Maari ring bisitahin ang knowledgechannel.org para sa kumpletong video lessons at latest updates.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE