News Releases

English | Tagalog

vanya, inilabas ang bagong single na “Mother”

May 14, 2021 AT 02:54 PM

vanya releases timely single “Mother”

“The capacity to mother and nurture life comes with being a woman,” explained vanya, who thinks that being a mom isn’t limited to raising children.

Isang pagbibigay-pugay sa mga nanay
 
May pahabol na regalo para sa Mother’s Day ang Star Music artist na si vanya sa bagong single niyang “Mother,” na ibinibida ang ‘di mapapantayang abilidad ng mga nanay na magbigay ng buhay at mag-alaga ng minamahal.
 
Kumuha ng inspirasyon ang “Mother” sa tanong kung ano nga ba ang totoong kahulugan ng pagiging isang ina. “The capacity to mother and nurture life comes with being a woman,” ani vanya, na naniniwalang hindi limitado ang pagiging ina sa pagpapalaki ng mga anak.
 
Dagdag ng dating “Idol Philippines” contestant, bukod sa pag-aalaga sa pamilya, pwede ring basehan ang pagiging mabuting ate, pagmamahal sa mga alagang aso o pusa, pag-aalaga sa mga halaman, pangangamusta sa mga kaibigan, pagiging magaling na lider sa opisina, o pagpapahalaga sa isang passion project.
 

Si vanya mismo ang sumulat ng kanta na iprinodyus ni Pauline Lauron at inilunsad ng Star Music.
 
Bago maging Star Music artist, isang freelancer si vanya bilang voice talent at kumakanta rin ng mga commercial jingle. Noong 2019, nag-audition siya sa “Idol Philippines” at nakaabot sa ‘Do or Die’ round ng kompetisyon.
 
Sumali rin siya sa Himig Handog 2019 bilang interpreter ng kanta ni Richanne Charms Jacinto na “Paano Ba.” Isa rin siyang worship minister at full-time Youth Campus Missionary.
 
Iparamdam ang pagmamahal mo sa iyong nanay at pakinggan ang bagong single ni vanya na “Mother” sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE