News Releases

English | Tagalog

“Ang Padrino” at “Ang Pagbabalik ng Panday” mapapanood sa “FPJ: Da King” sa TV5

May 20, 2021 AT 01:31 PM

ABS-CBN’s “FPJ: Da King” features “Ang Padrino” and “Ang Pagbabalik ng Panday” on TV5

TV5 viewers who use digital TV boxes such as the TVplus simply need to rescan their device to catch these movies

Pinakasikat na Kapamilya stars hatid ang weekly concert experience sa “ASAP Natin ‘To”

Patuloy ang paghahatid ng ABS-CBN ng delakidad na programa tuwing Linggo sa TV5 sa buong bansa dahil mapapanood na ang patok na mga pelikula ni Fernando Poe Jr. na “Ang Padrino” at “Ang Pagbabalik ng Panday” sa “FPJ: Da King” sa Mayo 23 at 30.     

I-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus, para mapanood sa TV5 ang mga pelikulang ito.    

Samahan si FPJ sa “Ang Padrino” sa kanyang pagganap bilang si Emong, na kinikilalang “padrino” sa kanyang bayan dahil sa kakayahan nitong ayusin ang anumang gusot.       

Pero masusubok si Emong dahil may mga maimpluwensyang tao ang makakalusot sa batas na siya niyang ikagagalit at magtutulak sa kanya para ialagay sa sariling kamay ang batas.      

Samantala, nagbabalik naman si Flavio para tugisiin ang nabuhay na si Lizardo (Max Alvarado) sa “Ang Pagbabalik ng Panday.”      

Sa kanilang pagtugis sa kaaway, haharapin nina Flavio at mga kakamping Temyong (Lito Anzures) at Lando (Bentot, Jr.) ang mga demonyo at si Bruhilda (Rosemarie Gil), ang diwata bumuhay kay Lizardo at nagbigay sa kanya ng kapangyarihang kayang tapatan ang sandata ni Flavio.     

Mapapanood ang “FPJ: Da King: tuwing Linggo mula 2 hangang 4 PM sa TV5, pagkatapos ng “ASAP Natin ‘To,” kung saan natutunghayan ang weekly concert experience tampok ang world class performances ng pinakasikat na Kapamilya celebrities.     

Isa ang TV5 sa platforms kung saan nae-enjoy ang mga palabas ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahanap ng paraan na maabot ang mga Pilipino nasaan man sila.     

Kamakailan, inilunsad ng ABS-CBN ang "Andito Kami Para Sa' Yo" campaign, isang taon matapos itong mawala sa ere, para ipaalala sa mga Pilipinong andito pa rin ang ABS-CBN para maglingkod at magpalabas ng mga programa sa free TV, cable TV, at online.       

Bukod sa TV5, mapapanood din ng mga taga-Visayas at Mindanao sa cable ang “FPJ: Da King” sa A2Z Channel at Kapamilya Channel.     

Kung gustong manood online, pwedeng tutukan ang mga palabas ng ABS-CBN sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Para makapanood naman ng advanced episodes, pwedeng gamitin ang iWantTFC app at website, pati na ang WeTV at iflix.       

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang  www.abs-cbn.com/newsroom.