“More than blessed for this opportunity to finally share a song that’s definitely the most sentimental and closest to my heart,” JMKO said.
Tampok ang carrier single na “Bitaw Na”
Tila isang pasilip sa naging journey niya bilang musician ang debut EP ng singer-producer at TikTok sensation na si JMKO na pinangalanang “
Prelude.”
Tampok dito ang pitong kanta kasama na ang pinakabago niyang awitin na “
Bitaw Na” na mula sa komposisyon ni Kikx Salazar at nagsisilbing carrier single ng album.
“More than blessed for this opportunity to finally share a song that’s definitely the most sentimental and closest to my heart,” ani JMKO.
Ayon naman kay Kikx, tungkol ang kanta sa pinagdaraanang battle ng sarili kapag duda ang isang tao sa kanyang mga desisyon sa buhay na nag-uugat sa hindi pag-agree ng puso at isipan niya.
Mahigit sa isang libo agad ang natamong comments ng kanta mula sa
TikTok followers ni JMKO na sang-ayon sa mensahe nito.
Sabi ni @NotYoKevv, “Finally something. We’ve always been told to hold on but never taught that sometimes letting go is an act of courage and apparently, a greater love.
“Bitaw na. Salitang napakasakit sabihin pero kailangan gawin lalo na kung di mo na kaya,” ani @mhaine1627.
Samantala, isang commenter naman ang nagpahayag ng sakit sa damdamin na hatid ng kanta para sa kanya na hindi naman heartbroken. “Download ko agad, ansaket kahit di ako broken,” sabi ni @feresylc25.
Nitong nakaraang taon, unti-unting nakikilala si JMKO dahil sa TikTok, kung saan meron na siyang 2.2 million followers na inaabangan ang kanyang singing videos at popcorn duets. Isang multi-instrumentalist at vocal arranger, sinimulan niya ang kanyang music career bilang bahagi ng premier pop vocal group ng De La Salle University na the De La Salle Innersoul.
Nang maglaon ay naging solo artist na siya sa ilalim ng Star Music. Kinanta niya ang hit song ni Jay-R na “Bakit Pa Ba” at naging bahagi rin ng Himig 11
th Edition bilang interpreter ng “Tabi-Tabi Po.” Siya rin ang umawit ng “Aahon” na nagsilbing official soundtrack ng “Story of Yanxi Palace” noong umere ito sa ABS-CBN.
Ang “Bakit Pa Ba,” “Tabi-Tabi Po,” at “Aahon” ay kabilang sa “Prelude,” na nagtatampok din sa mga kantang “Isla,” “Ano Nga Ba Tayo,” at “Araw.”
Pakinggan ang “Prelude” ni JMKO, na available na ngayon sa iba’t ibang
digital streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).