Viewers can look forward to relatable issues such as forbidden love affairs, family and work disputes, online bashing, and other misdeeds that need to be exposed.
Virtual harapan magaganap sa kumu
Isyu man sa ghosting, online bashing, at iba pang kalokohang ‘di dapat palampasin, handa nang tumulong ang Kapamilya host na si Amy Perez sa mga nagnanais pag-usapan at tapusin ang kanilang alitan nang harapan sa “Amy-nin: Deserve Mo ‘Yan.”
Mapapanood ang bagong virtual sumbungan ng
FYE channel sa kumu tuwing Martes at Huwebes, 4:30 pm simula August 24.
Bibigyang pagkakataon ni Tyang Amy ang mga taong kasali sa usapin na ilahad ang kanilang mga hinanakit o ipatindi ang kanilang mga dahilan. Sa pamamagitan ng mga payo ng host at ng kumunizens, uudyukan din sila na iresolba ang kani-kanilang isyu, humingi ng paumanhin, o magpatawad.
Asahan na ang matitinding talakayan sa usaping pag-ibig at pangangaliwa, panggagantso, at iba pa sa pagsisimula ng “Amy-nin” para rin magbigay-linaw at gabay sa mga manonood.
Si Amy na nga ang pinakabagong Kapamilya artist na kasama na rin sa FYE channel family. Ang FYE ay may hatid na kwela at makabuluhang talk shows sa kumu. Meron na itong 360,000 followers na nag-aabang sa iba’t ibang livestream tungkol sa lifestyle, sports, public affairs, at showbiz.
Magsisimula na ang “Amy-nin: Deserve Mo ‘Yan” sa Martes (August 24), 4:30 pm. Magdownload na ng
kumu app
(app.kumu.ph/fyechannel) at sundan ang @fyechannel. Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.