News Releases

English | Tagalog

Mga programang pang-school at home ng Knowledge Channel, mapapanuod na sa kumu at Facebook Live

August 04, 2021 AT 10:29 AM

Knowledge Channel shows now on kumu and Facebook Live

Follow Knowledge Channel on facebook.com/KnowledgeChannel and youtube.com/knowledgechannelorg

Nadagdagan na naman ang paraan para matuto ang mga kabataan sa kanilang tahanan sa paghahanda sa darating na school year dahil palabas na ang mga programa ng Knowledge Channel “School at Home” program sa kumu at Facebook Live tuwing 11 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.   

Ang Lunes ay nakatakda para sa Filipino kasama si Teacher Michelle kung saan ipagpapatuloy ninya ang pagkukuwento at ang mga aktibidad sa sining sa Wikaharian Online World. Si Team Lyqa ang matutunghayan sa Martes na siyang magtuturo ng mga tips sa pag-aaral. Mapapanuod naman sa Miyerkules sina Kuya Kim Atienza para sa Knowledge on the Go na susundan ng Math Talks kasama si Robi Domingo. Sa Huwebes, Money Lessons kasama ang FQ Mom and Sons habang ang Biyernes ay Art Smart kasama si Teacher Precious.       

Simula Agosto 4, panibagong palabas ang pangungunahan ni Robi Domingo sa programang MathDali presents Math Talks. Ito ay lingguhang talkshow kasama ang iba’t ibang personalidad at edu-creators upang talakayin kung papaano nakatulong ang Matematika sa buhay nila.       

Magbabalik naman si Teacher Precious Gamboa upang ipagpatuloy ang programang Art Smart ngunit pagtutuonan ninya ng pansin ngayon ang pagtuturo ng sining sa bahay para sa mga magulang at guro simula Hulyo 30.       

Ayon kay Danie Sedilla-Cruz, Channel Manager at Content Head para sa livestreams ng Knowledge Channel, ang mga livestreams na ito ay makakatulong sa mga guro, magulang, at mag-aaral sa isa pang taong pag-aaral habang naka-lockdown. “Knowledge Channel as a support to the initiative of the Department of Education would definitely help the gap. But at the same time, Knowledge Channel has its own initiative over in above of what [the] DepEd is doing, aniya.”    

Dadag niya, “Lahat ng maitutulong natin para sa edukasyon ng mga kabataan ay napaka importante niyan. And we know and we’ve proven that if partnered in likeminded entities we create great impact to our stakeholders and our audience.”      

Ang lahat ng livestreamed content ay i-uupload sa Knowledge Channel YouTube para sa mga nais makapanuod sa pinakabagong aralin.      

Kinilala ang “School at Home” program ng Knowledge Channel bilang “Best CSR Project in Education” sa nakaraang 2021 League of Corporate Foundations – CSR Guild Awards.     

Sundan ang Knowledge Channel sa facebook.com/KnowledgeChannel at youtube.com/knowledgechannelorg.