News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN gagawin ang local adaptation ng Korean drama na "Flower of Evil"

September 17, 2021 AT 12:30 PM

ABS-CBN acquires rights to produce local adaptation of South Korea's "Flower of Evil"

Ultimate heartthrob Piolo Pascual and new Kapamilya star Lovi Poe will play husband and wife in the local adaptation of the hit Korean thriller romance drama series.

ABS-CBN Entertainment ang gagawa ng local adaptation ng South Korean thriller drama na "Flower of Evil” matapos nitong makuha ang rights mula sa content production companies na CJ ENM Co., Ltd. at Studio Dragon Corporation na magprodus ng bersyon para sa mga manonood sa Pilipinas.
 
Ang multi-awarded actors na sina Piolo Pascual at Lovi Poe ang gaganap na bidang mag-asawa sa Pinoy adaptation na orihinal na ginampanan nina Lee Joon Gi at Moon Chae Won.
 
Magkahalong drama, romance, thrill, at aksyon ang maaasahan sa “Flower of Evil.” Susundan nito ang isang misteryosong lalaking itatago ang totoong pagkatao at nakaraan niya mula sa kanyang masayang pamilya. Ngunit nang mapunta sa misis niyang police detective ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas, kailangan nitong harapin ang posibilidad na isang mamamatay-tao ang mister niya.
 
Pumatok ang “Flower of Evil” sa South Korea nang ipalabas ito noong 2020 sa tvN, ang nangungunang total entertainment channel ng CJ ENM, hanggang sa maging available ito sa maraming bansa sa pamamagitan ng streaming platforms, dahil sa mga kapana-panabik na twists at nakakabilib na performances ng cast.
 
Ang Pinoy adaptation ng “Flower of Evil” ang unang Kapamilya teleserye na pagbibidahan ni Lovi pagkatapos niyang pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. Ito rin ang unang Kapamilya teleserye ni Piolo pagkatapos ng “Since I Found You” noong 2018.
 
Abangan sina Piolo at Lovi sa Pinoy adaptation ng “Flower of Evil,” na gagawin sa ilalim ng Dreamscape Entertainment at mapapanood sa iba’t ibang ABS-CBN platforms.