News Releases

English | Tagalog

DonBelle at cast ng 'He's Into Her,' nag-alay ng dasal para sa mga guro

September 07, 2021 AT 02:22 PM

DonBelle lead prayer for teachers nationwide

The video first appeared during a virtual kick-off event hosted by the Department of Education's Central Visayas office and the National Teachers' Month Coordinating Council last September 6

ABS-CBN at Knowledge Channel nakiisa sa pagdiriwang ng National Teachers' Month


Nakiisa ang ABS-CBN at Knowledge Channel sa pagdiriwang ng National Teachers' Month ngayong Setyembre sa pamamagitan ng isang prayer video mula sa cast ng hit Kapamilya series na "He's Into Her," sa pangunguna ng tambalan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, para magpugay at magpasalamat sa mga guro ngayong kasagsagan ng pandemya. 

Kasama ang co-stars nilang sina Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Jeremiah Lisbo, Joao Constancia, Criza Taa, at Vivoree Esclito sa prayer video na ipinorodyus ng ABS-CBN at Knowledge Channel para sa mga guro mula sa iba't ibang dako ng bansa na ipinagpatuloy ang kanilang tungkuling magturo at magbigay inspirasyon sa kabataang Pilipino ngayong panahon ng pandemya.   

Unang ipinalabas ang nasabing video sa virtual kick-off event na pinangunahan ng Central Visayas office ng Department of Education at ng National Teachers' Month Coordinating Council noong Setyembre 6 (Lunes) bilang pagsisimula sa taunang okasyong ito. Sa tema nitong "iTeach for a Better Future: My Teacher, My Frontline Hero," layunin nitong bigyang pugay ang mga gurong nagsilbi rin bilang mga frontliner na patuloy ginagampanan ang kanilang bokasyon para bigyan ng magandang kinabukasan ang bawat batang Pinoy sa gitna ng pandemya. 

Maliban sa prayer video mula sa cast ng "He's Into Her," nag-post din kamakailan ang Knowledge Channel Foundation Inc. ng logo reveal video ng kampanyang ito, na sumalamin din sa mga pagsubok ng mga gurong handang i-buwis ang kanilang buhay alang-alang sa kapakanan ng bawat estudyante.   

Bisitahin lamang ang knowledgechannel.org para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel.   

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE