News Releases

English | Tagalog

Stargazer, maghahatid ng kwentong kababalaghan sa "Pinoy Paranormal Mysteries"

October 27, 2022 AT 06:55 PM

Stargazer brings spine-chilling stories in FYE Channel's "Pinoy Paranormal Mysteries"

The five-part docuseries streams on FYE YouTube Channel every Friday at 6 pm beginning October 28.

 Eksklusibong mapapanood sa FYE YouTube Channel
 
Abangan ang mga nakakakilabot na kwentong kukumpleto sa Halloween sa bagong digital series na “Pinoy Paranormal Mysteries with Stargazer” na mapapanood sa FYE YouTube Channel simula ngayong Biyernes (Oktubre 28), 6pm.
 
May limang episodes ang bagong weekly docuseries na base sa mga totoong pangyayari na puno ng kababalaghan mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Pangungunahan ito ng psychic paranormal expert na si Stargazer na susuriin ang mga kaganapan, susubukang kausapin ang mga espiritu, at magbibigay paliwanag sa mga manonood.
 
Sa unang episode na pinamagatang “Ligaw na Kaluluwa,” bibisitahin niya ang Silang, Cavite kung saan tatlong pamilya ang nakakaranas ng panggugulo mula sa mga espiritu.
 
Samantala, sa ikalawang episode na “Engkanto,” tatalakayin ang misteryosong pagkawala ng ilang tao sa Tibiao, Antique na pinaniniwalaan kinidnap ng mga engkanto. Bibigyang pansin naman sa “Manggagamot” ang iba’t ibang uri ng healing method tulad ng paggamit ng tawas, pulang tela, at iba pa  habang tampok sa “Firestarter” episode ang isang bata na may paranormal ability na magsimula ng sunog kahit saang lugar anumang oras. Alamin din ang kwento sa likod ni “Haring Bakal” na hindi tinatablan ng matatalim na sandata. 
 
“Ang Pinoy Paranormal Mysteries” ang ikalawang eksklusibong programa ng FYE sa YouTube pagkatapos nitong ilunsad ang “Lucky Home with Master Hanz Cua” noong Agosto.
 
Bukod sa limited series na ito, napapanood din si Stargazer sa “Pinoy Vibes” ng FYE Channel sa kumu kung saan nagbibigay siya ng mga payo base sa aura at psychic reading.
 
Mapapanood ang “Pinoy Paranormal Mysteries with Stargazer” sa FYE Youtube channel simula ngayong Biyernes (Oktubre 28), 6pm. Para sa iba pang detalye, sundan ang FYE Channel sa FacebookTwitterInstagram, at Tiktok.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE