News Releases

English | Tagalog

Joshua, nagpabilib bilang Dark Brian sa "Darna"

October 29, 2022 AT 09:44 AM

Joshua earns netizens' praises as Dark Brian in "Darna"

The wicked Extra called Dark Brian is destroying the policeman's good reputation.

Umani ng papuri si Joshua Garcia mula sa mga manonood dahil sa galing ng pagganap niya sa dual role niya bilang ang pulis na si Brian Robles at Dark Brian sa hit primetime series  na “Mars Ravelo’s Darna.”


Bumilib ang netizens sa nakakabwisit niyang pagganap bilang Extra na nagpapanggap at sinisira ang magandang reputasyon ng orihinal na Brian.


Sabi nga ni @KhennDominic, kakaibang atake ang ibinigay ni Joshua. “Grabe yung @iamjoshuagarcia! Para talaga akong nanonood ng magkaibang tao!”

“Super best actor si Joshua parang ibang katauhan talaga!,” ani @AllyAStarIsBorn.  “Joshua really portrayed dark Brian so well! Nakakabadtrip na ung pagka batugan nya,” sabi naman ni @Zynn232 sa Twitter.


Samantala, isa namang netizen ang nagsabi na mahalaga ang papel ni Dark Brian sa kwento dahil ito malamang ang maghahatid kay Regina Vanguardia (Janella Salvador) sa matinding galit na dahilan kaya siya, sa alter-ego niyang si Valentina, ang magiging mortal na kaaway ni Darna (Jane De Leon).


“Ang talino ng pagkakasulat nitong Dark Brian plot. Ilalabas further ang galit ni Regina dahil sa feeling of betrayal na pinasakay lang siya, at hindi talaga si Brian na mahal niya yun. Lavet!,” sabi ni @PrincessFrance.


Nag-trending at talaga namang pinag-usapan din ang naging kissing scene nina Dark Brian at Regina.


Sinundan naman ito nang kaabang-abang at kauna-unahang paghaharap nina Darna at Valentina para mahuli ang XTriads.


Napapanood ang “Darna” gabi-gabi, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).


Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE