Mga bagong pasabog at ilan sa most-requested best-of-the-best treats mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ang naghihintay sa inyo ngayong Linggo (Dis. 18) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Pakatutukan ang mga fresh-na-fresh na kantahan sa ASAP stage, tampok ang pagbirit ni Asia's Songbird Regine Velasquez, at ang Air Supply hits sing-off nina Erik Santos at Jed Madela kasama sina Bryan Chong, Lucas Garcia, Sam Mangubat, Reiven Umali, at JM Yosures.
Hindi rin pahuhuli ang triple treat pasabog ni Darren, kabilang na ang kanyang pamaskong performance kasama sina AC Bonifacio, Sheena Belarmino, at Krystal Brimner; pop heartthrob kantahan kasama si Bailey May; at ang must-watch duet nila ni Sheena.
Damang-dama pa rin ang Kapaskuhan sa best-of-the-best Christmas kantahan at indakan nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Francine Diaz, Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Jayda, Elha Nympha, Lara Maigue, Enchong Dee, Jeremy G, Joao Constancia, Jin Macapagal, Janine Gutierrez, Janella Salvador at ng inyong ASAP family kasama sina Robi Domingo at Edward Barber.
Balikan din ang back-to-back pamasko ng BINI at BGYO, habang makihataw muli sa dance-off nina AC, Chie Filomeno, at Maymay Entrata.
Pakatutukan muli ang ilan sa most-requested musical pasabog sa ASAP stage, kabilang ang rockoustic jamming nina KD Estrada at Kice; hugot kantahan ni Moira dela Torre; dream collab nina Bamboo at Morissette; at ang taas-noong Pinoy hits tapatan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Nyoy Volante, at Jason Dy.
At huwag ding palampasin ang best-of-the-best holiday hits biritan nina Gary V., Erik, Ogie, Regine, Zsa Zsa Padilla, at Martin Nievera sa "The Greatest Showdown."
Tutok na ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.