News Releases

English | Tagalog

‘EcoProject School Tour Year 2’ ng Knowledge Channel umarangkada na

December 07, 2022 AT 07:37 PM

Knowledge Channel rallies the youth to take part in environmental protection with ‘EcoProject School Tour Year 2’

EcoProject pushes students to go the extra mile in environmental awareness and protection by learning from experts and environmental adv

Rina Lopez nagpasalamat sa suporta sa kanilang mga proyekto
 
Sa pag arangkada ng ‘EcoProject Year 2: Kilos Kabataan Para sa Kapaligiran,’ kasama ang Breeze, mahigit 25 tonelada ng plastic waste ang nakolekta ng 40,829 students mula SDO Taguig City at Pateros na gagamitin para iupcycle at gawing mga gamit sa bahay.

“Malaki ang nakita naming resulta ng EcoProject noon, kaya naman naisip namin na palawakin ang programang ito at mag ikot pa sa maraming eskwelahan sa Taguig City at Pateros. Naniniwala kami na sa tulong ng mga estudyante marami pa ang mamumulat na protektahan ang kalikasan” pahayag ng KCFI president at executive director Rina Lopez. 

Nakiisa ang mga estudyante at guro sa iba’t-ibang mga programa katulad ng mga seminars mula sa mga eksperto, pagsagot sa mga trivia quizzes ng “Knowledge on The Go” patungkol sa kalikasan, epekto ng polusyon at paggawa ng mga recycled EcoPlanters mula sa basura. 

Layunin ng Eco Project na mas mapalalim ang kaalaman ng mga kabataan sa pagprotekta ng kapaligiran kaya binigyan ang mga Grade 3 students ng  EcoDiaries na magagamit nila sa pag-record ng kanilang mga natutunan sa pag-alaga ng kalikasan.

Nakatanggap din ang mga guro ng Knowledge Channel Portable Media Library kung saan mapapanood offline ang EcoProject at Knowledge Channel videos sa kanilang eskwelahan.

Kasabay ng kanilang anibersaryo ay pinarangalan din ang Knowledge Channel sa 44th Catholic Mass Media Awards para sa programang “Ready, Set, Read,” isang serye para sa pagtuturo ng English na binuo kasama ang Security Bank Foundation Inc., at Ateneo de Manila University.

Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.