News Releases

English | Tagalog

Operation Odette ng ABS-CBN Foundation, 200,000 pamilya na ang natulungan; house repair kits, sunod na ipamimigay

February 20, 2022 AT 10:56 AM

ABS-CBN Foundation's Operation Odette serves over 200,000 families; to deliver house repair kits

As many of the survivors remain in evacuation centers after their houses got destroyed, ABS-CBN Foundation now aims to also deliver house repair kits that they need in fixing their homes as they rise from the tragedy they experienced. 

Kapamilya singers, muling aawit para sa Odette survivors sa “By Request 2”

Sa tulong at pakikiisa ng partners at donors, mahigit 200,000 pamilyang naapektuhan ng Bagyong Odette ang nakatanggap na ng relief goods sa tulong ng ABS-CBN Foundation. 

Dahil karamihan sa kanila ay nawalan ng tahanan at nananatili sa mga evacuation center, layunin na rin ng ABS-CBN Foundation na mahatiran sila ng house repair kits upang makatulong sa pag-aayos ng kanilang mga bahay.

"Sana po tulungan ako, kami, sa pamilya ko may magbigay para makasimula kami," ani Maria Victoria Edilo ng Southern Leyte sa panayam ng ABS-CBN News.

Sa Bohol naman, patuloy ding nananawagan ang inang si Alicia Golosilo, na sa day care center pa rin nanunuluyan kasama ng pamilya. 

"Gusto ko manawagan sa mga tao [na] may puso na tulungan kami sa buhay. Walang-wala kami, saan kami kukuha," sabi ni Alicia sa ulat sa "TV Patrol."

Kaya naman patuloy ding nangangalap ng donasyon ang ABS-CBN Foundation. Sa halagang P13,200, mabibigyan na ang isang pamilya ng house repair kit na naglalaman ng yero, plywood, at mga pako. 

Tuloy-tuloy din ang 100 araw na fundraising sa "Tulong-Tulong sa Pag-Ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan" campaign ng ABS-CBN and ABS-CBN Foundation, na napapanood gabi-gabi ng 8 pm sa FYE channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ABS-CBN Facebook page, iWantTFC, at SKYcable HD ch. 955 at SD ch. 155.

Pagkatapos ng sampung araw pagpapakilig ng Kapamilya loveteams sa "Kilig Match," magbabalik naman ang kantahan at kwentuhan with Kapamilya singers sa "By Request 2" benefit concert series mula Pebrero 18 hanggang 27. Una nang nakasama sina Yeng Constantino na susundan nina Jed Madela at Nyoy Volante kasama si Jason Dy, Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, Klarisse De Guzman at iDolls kasama si Vivoree, at ex-housemates Anji Salvacion, Benedix Ramos, at Jordan Andrews.

Maghahandog rin ng concert sina Jona, Janine Berdin, Elha Nympha, Lara Maigue, at Sheena Belarmino, KZ Tandingan at TJ Monterde, Vina Morales at Jolina Magdangal, at Gary Valenciano.

Sa kabuuan, umabot na sa P94.04 milyon ang cash donation na natanggap ng ABS-CBN Foundation noong Pebrero 18 habang nagkakahalaga naman ng P16.012 milyon ang in kind donations. Nakapaghatid na rin ng food packs sa 203,110 na pamilya at house repair kits sa 330 na pamilya. 

Maaari ring makatulong sa ating mga kababayan sa pag-avail ng Tulong Vouchers sa Lazada at Shopee na may halagang P100 o P400 na daragdag sa pondo para sa house repair kits, o sa paglahok sa“Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run” ng SKY katuwang ang HBO at History Channel, kung saan maaaring mag-donate at sumali sa “100 Hakbang Challenge” para sa Odette survivors.

Para sa iba pang impormasyon at paraan sa pag-donate, pumunta lang sa website ng ABS-CBN Foundation at sa FacebookTwitter, at Instagram accounts nito.  Ang kampanyang ito ay napapaloob ng DSWD Authority/Solicitation Permit ng ABS-CBN Foundation na DSWD-SB-SP-00026-21, valid nationwide hanggang Mayo 28,2022.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom