News Releases

English | Tagalog

Libo-libo matutulungan ng SKY virtual run fundraiser

March 21, 2022 AT 10:57 AM

SKY’s virtual run fundraiser can provide food relief to over 5,000 Odette survivors

Participants shared their #100HakbangSaPagtutulungan experience on Facebook and Instagram to encourage more people to join the cause.

Kalahating milyong donasyon ang nalikom mula sa mga kalahok
 
Nakalikom ng mahigit P500,000 na donasyon ang SKY mula sa mga kalahok ng kanilang “Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run.” Ang halagang ito ay maaring makapagbigay ng food packs sa 1,000 pamilya o 5,000 indibidwal na bumabangon pa rin matapos masalanta ng Super Typhoon Odette.
 
Umabot sa halos 1,500 ang mga lumahok sa virtual run mula Pebrero 1 hanggang 28. Kabilang sa mga nakilahok para mag-donate at sumabak sa 100 hakbang challenge ay ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual, celebrity coach na si Rio Dela Cruz, at Director for Advocacy ng ABS-CBN Foundation at host ng “G Diaries” na si Ernie Lopez. 
 
Maraming kalahok ang nag-post ng kanilang litrato o bidyo sa Facebook at Instagram na ginagawa ang challenge, gamit ang hashtag na #100HakbangSaPagtutulungan. Maliban sa hinikayat nila ang iba na sumali, ibinahagi rin nila ang kanilang kasiyahan sa pagkakataong maging aktibo sa gitna ng pandemya habang nakakatulong sa mga nangangailangan.
 
Bukod sa 100 hakbang challenge, halos 300 na kalahok ang nakakumpleto ng 5K at 10K virtual run at nagpadala ng mas malaking donasyon para sa mga nasalanta.
 
Ang “Isang Daang Hakbang Sa Pagtutulungan: Kapamilya Virtual Run” ay inorganisa ng SKY, kasama ang channel partners na HBO at History, para suportahan ang “Tulong-Tulong sa Pag-ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan,” ang ikalawang bahagi ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation fund drive para sa mga nasalanta ng Odette. Nitong Marso 17, may 207,029 pamilya na ang nabigyan ng food packs at 548 pamilya ang nabigyan ng home repair kits ng ABS-CBN Foundation sa tulong ng mga donasyon. Mas maraming pamilya pa ang makakatanggap ng tulong gamit ang mga donasyong nalikom sa virtual run na ito.
 
Maliban sa patuloy na pagsuporta ng food packs sa mga nananatili pa sa evacuation centers, sinimulan na rin ng ABS-CBN Foundation ang pagbibigay ng home repair kits sa mga nasiraan ng tahanan sa gitna ng kalamidad. Nitong Marso 17, 584 pamilya na ang nakatanggap ng home repair kits para makatulong sa muling pagbuo ng mga nasirang tahanan.  
 
Ang kampanyang ito ay napapaloob ng DSWD Authority/Solicitation Permit ng ABS-CBN Foundation na DSWD-SB-SP-00026-21, valid nationwide hanggang Mayo 28,2022.
 
Para sa iba pang updates, i-follow ang SKY sa Facebook (fb.com/myskyupdates), Twitter (@myskyupdates), at Instagram (@myskyupdates).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE