Knowledge Channel has partnered with premier institutions in the country to offer more learning experiences to students nationwide
Kaisa ang CCP, DepEd, BSP, BDO Foudation, at DOST
Nakiisa ang Knowledge Channel sa ilang premyadong institusyon sa bansa upang maghatid ng iba pang de-kalidad na programang magbibigay ng karagdagang kaalaman sa bawat estudyante tulad ng "Noli Me Tangere," "Financial Education," at "Tuklasiyensya" ngayong panahon ng blended learning.
Katuwang ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa layuning bigyang halaga ang pagtuturo ng sariling kultura sa kabataan, ihahandog ng Knowledge Channel ang adaptasyon ng obra ni Jose Rizal na "Noli Me Tangere," tuwing Lunes hanggang Biyernes, simula Abril 18 (Lunes), 5:40 ng hapon.
Pinagbidahan noon nina Joel Torre, Chin-Chin Gutierrez, Manny Palo, Tetchie Agbayani, at iba pang batikang artista, tampok sa serye ang kwento ni Crisostomo Ibarra at ang kanyang pakikipagsapalaran para sa kasarinlan ng bansa mula sa mga Kastila.
Nakipag-ugnayan din ang Knowledge Channel sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Banco de Oro Foundation (BDO Foundation), BDO Foundation, at Department of Education (DepEd) para ipalabas ang "Financial Education," na mapapanood araw-araw pagkatapos ng Grades 1 to 10 Araling Panlipunan timeslot. Tampok sa "Financial Education" ang ilang video shorts na nagtuturo sa kahalagahan ng pag-iipon at ilang konsepto sa finance na lubos na makatutulong sa mga kabataan.
Samantala, ipinalabas din kamakailan ng Knowledge Channel ang programang "TuklaSiyensya" ng Department of Science and Technology (DOST) na layong magbigay kaalaman sa mundo ng siyensya sa tulong ng mga eksperto nito at sa mobile science learning facility na nuLabs.
Mapapanood ang mga ito at ang ilan pang makabuluhang educational shows sa Knowledge Channel na available sa SKYcable, Cignal, GSat, SatLite, PCTA cable affiliates, at sa Beam DTT.
Patuloy ring mapapanood ang mga online live programs ng Knowledge Channel sa Facebook page nito (fb.com/knowledgechannel) at sa FYE Channel ng Kumu, tampok ang mga programang "Wikaharian Online World," "Learn with Lyqa," "Knowledge on the Go," "MathDali Live," "Money Lessons with FQ Mom," at "Art Smart," mula Lunes hanggang Biyernes, 11 ng tanghali.
Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.