Isa na namang relatable song mula sa Squad Plus member at TikTok star
Nagbabalik-tanaw sa mga simpleng saya ng pagiging teenager ang folk-pop artist na si Angela Ken sa bago niyang single na “
Dagdag na Alaala” mula sa Star Music.
Isinulat ng Squad Plus member na unang nakilala sa TikTok ang “Dagdag na Alaala” para alalahanin ang mga magagandang karanasan niya noong high school at ang mga pagkakaibigang nabuo niya sa panahong iyon. Nagsilbi ring co-writer ng kanta si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo na siya ring nagprodyus nito.
Layunin din ng kanta na bigyang-halaga ang high school barkada at magbigay-paalala na mahalin ang iyong mga kaibigan. “Sinasabi ng kanta na dapat i-value natin ‘yung friends natin at mga tao sa paligid natin habang nandyan pa sila,” ani Angela.
Kamakailan lang, gumawa ng dalawang kanta na “
Your Everything” at “
Hanggang Sa Muli” si Angela kasama ang kapwa singer-songwriter na si Jeremy G para sa official soundtrack ng unang exclusive YouTube series ng ABS-CBN na “How To Move On in 30 Days.”
Ini-release din niya ang ikalawa niyang single na “It’s Okay Not To Be Okay” noong Enero na kasunod ng debut single at hit song niyang “Ako Naman Muna.” Bumida rin siya sa isang billboard sa Times Square sa New York bilang featured artist sa EQUAL campaign ng Spotify.
Bukod sa pagpe-perform sa “ASAP Natin ‘To,” malapit na ring mapanood na umarte si Angela sa musical series na “Lyric and Beat” kasama ng iba pang Kapamilya talents.
Balikan ang magagandang alaala ng iyong high school life at pakinggan ang “Dagdag na Alaala” ni Angela sa iba’t ibang
digital music platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (
www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).