Mula sa disenyo ng visual artist na si Anina Rubio
Pormal nang inilunsad ng ABS-CBN ang “Darna” mural na nagpapahalaga sa kabayanihan ng bawat tao at naghahatid ng pag-asa na inalay nito sa mga frontliner at iba pang maituturing na bagong bayani.
Ang lead star ng pinaka-inaabangang serye na “Mars Ravelo’s Darna” na si Jane De Leon ang nanguna sa ginawang unveiling sa ABS-CBN Compound sa Eugenio Lopez Drive sa Quezon City. Aniya, “Handog namin ito sa ating real-life heroes na kahit sa maliit na paraan ay naipapakita nila na tayong lahat ay nagtataglay ng kabayanihan, patunay lang na mahahanap natin lagi sa Darna sa bawat isa.”
Kasama rin ni Jane ang iba pang “Darna” stars na sina Janella Salvador at Joshua Garcia sa naganap na special tribute.
Ang visual artist na si Anina Rubio na kilala sa kanyang artworks na tungkol sa ganda ng kalikasan ang nagdisensyo ng higanteng mural tampok ang mga ordinaryong tao na nagtataglay ng sagisag ni Darna.
May temang “Ikaw, ako, tayong lahat si Darna” ang mural na naglalarawan na ang bawat tao ay may kani-kaniyang ‘kabayanihan’ at paraan upang maghatid ng pag-asa at positibong pananaw sa kabila ng hirap at kaguluhang tinatamasa.
Kinomisyon ito ng ABS-CBN kaugnay ng makabagong paghahatid ng kwento ng iconic Pinay superhero na si Darna, na muling maglalakbay, tutulong, at makikipaglaban laban sa kasamaan.
Pinangungunahan ng master director na si Chito S. Roño kasama sina Direk Avel Sunpongco at Benedict Mique sa ilalim ng JRB Creative Production unit ng ABS-CBN ang programang “Darna” na malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC.
Alamin ang latest sa “Darna,” sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter @JRBcreativeprod at sa Instagram @JRBcreativeproduction. Para sa iba pang balita tungkol sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom. #NasaanSiDarna #IkawAkoTayoSiDarna