News Releases

English | Tagalog

Hustisya, sigaw ng mga kaanak ng biktima ng Mercraft tragedy sa “KBYN”

June 25, 2022 AT 10:59 AM

Families of Mercraft tragedy victims cry for justice in “KBYN”

Listen to the victims’ loved ones as they tell their stories and find out what justice awaits them after over four years in the latest episode of “KBYN,” which airs at 5 pm on A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel with livestreaming on Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews and news.abs-cbn.com/live.

Kilalanin ang isang ‘prinsesa’ sa pambabatok ngayong Linggo 

Mahigit apat na taon mula nang lumubog ang M/V Mercraft 3, kukumustahin ni Noli “Kabayan” De Castro ang paghahanap ng hustisya ng mga naiwang pamilya ng mga biktima ngayong Linggo (Hunyo 26) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”

Ilang araw bago mag-Pasko noong 2017 nang tumaob ang sasakyang pandagat. Pito ang kumpirmadong patay at lima dito ang hindi pa rin nakikita ang bangkay hanggang ngayon.

Pakinggan ang kwento ng kanilang mga pamilya at anong hustisya ang naghihintay sa kanila makalipas ang mahigit apat na taon sa bagong episode ng “KBYN” na umeere tuwing 5 pm sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel at may livestreaming sa Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.

Ngayong Linggo, makikilala rin ng mga manonood si Princess Tacatac, ang 13-anyos na pinakabatang mambabatok na apo ng kilalang si Apo Whang Od, na ngayo’y 105 taon na.

Limang taon pa lamang si Princess nang sinimulan siyang turuan ng kanyang lola sa tradisyunal na pamamaraan ng pagta-tattoo sa Buscalan Village, Tinglayan, Kalinga. Kaya naman ngayon pa lang ay bihasa na siya sa pinangangalagaan nilang kultura.

Mula sa isang “prinsesa” sa larangan ng pambabatok, tutungo naman si Kabayan sa Bocaue, Bulacan para mas makilala ang mga tinaguriang “royal dog.” Sa Zelton Corgis mayroong 30 na bini-breed na corgi, na parang mga hari at reyna ang royal treatment sa kanila.  

Maaliw at ma-inspire sa handog na mga kwento ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, at A2Z. 

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.