Forty Filipinas will battle it out to win four coveted Bb. Pilipinas titles in this year's coronation night that will be available on the Kapamilya Channel, Metro Channel, A2Z, iWantTFC, and TV5 this Sunday (July 31).
Catriona at Nicole, mapapanood bilang coronation night hosts sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5
Magpapamalas ng kanilang natatanging ganda, talino, at tikas ang 40 Pilipina sa pagkamit ng apat na Binibining Pilipinas titles sa Coronation Night na mapapanood sa Kapamilya Channel, Metro Channel, A2Z, iWantTFC, at TV5 ngayong Linggo (Hulyo 31).
Masasaksihan ang reigning queens na sina Hannah Arnold, Samantha Panlilio, Cinderella Obenita, and Maureen Montagne na kokoronahan ang mga susunod na Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe.
Magbabalik bilang hosts sa coronation night sa Big Dome sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves. Magsisilbi ding Live Chat hosts sina Miss Grand International 2020 1st Runner Up Samantha Bernardo at kapwa Pinoy Big Brother alum na si Edward Barber.
Hindi lang din isang beauty event kundi isang concert na rin ang inaabangang kompetisyon dahil tampok dito musical guests na si Maymay Entrata at ang SB19, isa sa mga top P-Pop idols sa bansa.
Pinag-usapan naman sa social media ang mga national costume ng mga kandidata na inspired sa mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Nakita rin sa mga costume ang husay at pagkamalikhain ng mga nagdisenyo nito.
Sino-sino kaya ang makakasungkit ng mga korona? Abangan sa Bb. Pilipinas Coronation Night na mapapanood sa Kapamilya Channel, Metro Channel, A2Z, at TV5 simula 10 pm. Ipapalabas din ito sa iWantTFC at sa Binibining Pilipinas official Youtube channel.
Para sa iba pang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.