News Releases

English | Tagalog

"Dirty Linen" at "The Iron Heart" napapanood na sa iba't ibang bansa sa ABS-CBN Entertainment YouTube

November 29, 2023 AT 08:05 AM

"Dirty Linen" and "The Iron Heart" now available globally on ABS-CBN Entertainment YouTube

The two series are available to viewers in Australia, New Zealand, Europe, USA, Canada, and the Middle East

Available sa Australia, New Zealand, Europe, USA, Canada, Middle East

Napapanood na ang mga Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen” at “The Iron Heart” sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. 

Available i-stream ang parehong palabas sa Australia, New Zealand, Europe, USA, Canada, at sa Middle East. Napapanood din ang “The Iron Heart” sa Pilipinas.

Pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo ang revenge drama series na “Dirty Linen” na tungkol sa paghihiganti ng katulong na si Mila/Alexa (Janine) laban sa makapangyarihang pamilya Fiero. 

Naging mainit ang pagtanggap ng viewers sa serye kung saan nakakuha ito ng bilyon-bilyong online views at iba’t ibang awards kabilang ang Silver Award for Best Asian Drama for a Single Market in Asia sa ContentAsia Awards 2023 at ang Best Direction (Fiction) category para kay Onat Diaz at Best Promo or Trailer sa national level ng Asian Academy Creative Awards 2023.

Sa action series na “The Iron Heart,” ginagampanan ni Richard Gutierrez ang isang undercover agent na may layuning pabagsakin ang isa sa pinakamalaking sindikato sa bansa. Pinuri ng mga manonood ang serye dahil sa world-class action scenes nito na halos gabi-gabing nag-trending sa social media.

Panoorin ang “Dirty Linen” at “The Iron Heart” sa pag-subscribe sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE