Nanguna sa iTunes chart sa Pilipinas, Singapore, UAE, Saudi Arabia
Alay ng Filipino boy group na BGYO sa kanilang supporters ang kanilang special single na “
Bulalakaw” na nanguna sa iTunes chart ng iba’t ibang bansa.
Sinisimbolo ng awitin ang pasasalamat sa mga taong nagbibigay lakas sa panahon ng pagsubok at iniaalay ito ng grupo sa kanilang fans na patuloy ang pagsuporta at pagmamahal sa kanilang musika. Isinulat ito ni Kikx Salazar at iprinodyus niya rin ito kasama ang ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
Umarangkada agad ito sa unang pwesto sa iTunes albums chart sa Pilipinas, Singapore, UAE, at Saudi Arabia habang nasa pang-apat na pwesto naman ito sa Hong Kong. Itinampok din ang awitin sa Spotify New Music Friday Philippines.
Kamakailan ay sumabak din ang BGYO members na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate sa recording ng kanliang sariling bersyon ng chorus ng "Better Place” bilang pagdiriwang ng pagpapalabas ng pelikulang “Trolls Band Together.” Ang orihinal na awitin ang nagsilbing comeback single ng grupong NSYNC.
Tuloy-tuloy nga ang BGYO sa pagpapalaganap ng P-pop music. Ang kanilang sophomore album na “Be: Us” ay nakapasok sa iTunes albums chart ng 12 bansa kung saan nanguna sila sa Pilipinas, Hong Kong, Singapore, Saudi Arabia, at UAE at pinangalanan bilang best selling artist of 2022 sa nasabing platform. Samantala, patuloy ang pagiging viral nila matapos nilang maabot ang mahigit isang bilyong views sa TikTok.
Pakinggan ang nakakaantig na mensahe ng “Bulalakaw” na available sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang @bgyo_ph sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
TikTok, at mag-subscribe sa kanilang YouTube channel,
BGYO Official.
Para sa updates, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.