Tampok ang self-love mantra ng Concert Queen
Pagbibigay-halaga sa sarili ang mensahe ng bagong kanta ng OPM icon na si Pops Fernandez na tinawag na “
Get It Poppin.’”
Iba sa karaniwan niyang tunog, tampok sa dance-pop song ang pagpapahalaga ng Concert Queen sa self-love, pagdedma sa mga nega at hindi naniniwala sa kakayahan ng isang tao, at pagsisikap makamit ang best life.
Sinusundan nito ang kanyang comeback single na “Always Loved” na inilabas noong Hulyo sa ilalim ng Star Music sa pagdiriwang niya ng ika-40 taon sa industriya. Inilunsad din niya ang
music video nito noong Setyembre.
Sa darating na Feb. 9 at 10 naman sa susunod na taon gaganapin ang kanyang anniversary concert na “Get It Poppin’” sa The Theatre at Solaire.
Si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang nagprodyus ng “Get It Poppin’” at siya ring sumulat nito katulong sina Roque “Rox” Santos, Jeremy Glinoga, at Trisha Denise.
Napapakinggan na ang “Get It Poppin’” sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa
Facebook,
Twitter,
Instagram,
Tiktok, at
YouTube.
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
Instagram, at
Tiktok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.