News Releases

English | Tagalog

Marlo Mortel at Majoy Apostol bibida sa bagong TV advocacy series ng Knowledge Channel

February 10, 2023 AT 12:00 PM

Knowledge Channel joins forces with National Nutrition Council in new tv series, “ILY 1000”

Weekly episodes of “I Love You 1000: Batang #Laking1000,” will air every Tuesday, Thursday, and Saturday at 4:00 PM starting on Tuesday (February 14)

Isang espesyal na proyekto katuwang ang National Nutrition Council
 
Isang educational at entertaining na TV advocacy series ang hatid ng Knowledge Channel Foundation Inc., (KCFI) ngayong Valentine’s Day katuwang ang National Nutrition Council (NNC) sa “I Love You 1000: Batang #Laking1000,” na pagbibidahan nina Marlo Mortel at Majoy Apostol.
 
Nakasentro ang kwento sa bagong kasal na mag-asawa na sina Angela (Apostol) at Mark (Mortel) na bibigyang linaw ang kahalagahan ng unang 1000 days ni baby. Kasama ang mga doctors at experts, tatalakayin isa-isa ang mga usapin sa nutrisyon, kalusugan, pangangalaga at pag-unlad ng mga bagong silang na bata.
 
“Each episode is specially curated to address every concern and debunk superstitions on early childhood care. We hope to inspire more parents to raise young children in an environment that is nourishing, responsive, and safe,” pahayag ni KCFI president and executive director Rina Lopez. 
 
Ang KCFI ang una at nag-iisang non-profit organization sa bansa na gumagawa ng curriculum-based videos at patuloy na nagbibigay ng transformative learning experience sa mga guro, estudyante, health workers at mga magulang. Patuloy lang ang KCFI sa pakikipagtulungan sa iba't ibang hanay ng gobyerno para mas mapalawak ang access nito.
 
“This collaboration with the NNC started out as a response to continuously provide nutrition education classes to Filipino parents and caregivers. Sharing the same mission, we believe that early childhood care and nutrition are critical topics that we need to address today,” saad pa ni Lopez. 
 
Magsisimula na ang “I Love You 1000: Batang #Laking1000'' ngayong Martes (February 14), 4:00 PM, tuwing Martes, Huwebes at Sabado sa Knowledge Channel TV available sa Sky Cable, Cablelink, PCTA, Cignal, Gsat, Satlite at Digital TV. Mapapanood din ang mga episodes online sa iWantTFC ,at KCFI at NNC’s social media pages.
 
Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.