News Releases

English | Tagalog

"FPJ's Batang Quiapo" naka-44 milyong digital views para sa pilot week

February 22, 2023 AT 03:22 PM

"FPJ's Batang Quiapo" earns 44M total digital views for pilot week

Will Ramon be able to capture Tanggol? Will Greg and Supremo be Tanggol’s friend or foe?

RK Bagatsing at Lito Lapid, kakampi o kalaban ni Coco?

Matitinding salpukan ang bumungad sa viewers ng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos itong makakuha ng higit 44 milyong total digital views sa Kapamilya Online Live at iWantTFC para sa pilot week ng serye.

Patikim pa lang ang mga naunang episode sa mga dapat abangan na maaaksyong eksena dahil sasabak na rin sa bakbakan sina Supremo (Lito Lapid), isang ex-convict, at si RK Bagatsing bilang ang karakter na si Greg. 

Dadagdagan ni Greg ang patong-patong na problema ni Ramon (Christopher de Leon), isang high-profile kriminal na pinaghahanap na ngayon ng mga pulis matapos itong makatakas sa piitan sa tulong ng ama niyang si Don Julio (Tommy Abuel), isang makapangyarihang lider ng sindikato. 

Ngayon na nakawala na si Ramon sa kulungan, desidido siyang ipahanap ang nag-iisa niyang anak na si Tanggol (Coco Martin) dahil gusto niyang ipagpatuloy nito ang lahat ng iligal niyang negosyo. Wala namang kamalay-malay si Tanggol sa tunay niyang amang si Ramon at ang mala-demonyong katauhan nito dahil una nang ginahasa ni Ramon ang nanay ni Tanggol na si Marites (Cherry Pie Picache). 

Makuha kaya ni Ramon si Tanggol mula kay Marites? Magiging kakampi ba o kalaban ni Tanggol sina Greg at Supremo?

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng ““FPJ’s Batang Quiapo.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.