News Releases

English | Tagalog

Restored version ng 'Inagaw Mo ang Lahat sa Akin,' ipinalabas sa Metropolitan Theater

March 20, 2023 AT 02:31 PM

Sagip Pelikula brings the restored version of 'Inagaw Mo ang Lahat sa Akin' at the Metropolitan Theater

The Reyna Films classic screened for free at the re-opened Metropolitan Theater, which also featured a talk-back session with its lead stars, writer, and director

Tampok sa panibagong edisyon ng 'Mga Hiyas ng Sineng Filipino' ng FDCP at Manila Metropolitan Theater

Bilang pagdiriwang sa National Women's Month ngayong Marso, kaisa muli ng Sagip Pelikula ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Manila Metropolitan Theater para sa free screening ng restored version ng Reyna Films family-drama classic na "Inagaw Mo ang Lahat sa Akin" nina Maricel Soriano at Snooky Serna sa panibagong edisyon ng Mga Hiyas ng Sineng Filipino, na ginanap nitong Linggo sa MET.

Maliban sa libreng pagpapalabas ng pelikula, sinundan ito ng talk-back session ng lead cast nitong sina Maricel at Snooky kasama ang writer nitong si Bibeth Orteza at direktor na si Carlos Siguion-Reyna, Central Digital Lab CEO Manet Dayrit, pati ang co-stars nilang sina Jess Evardone at FDCP chairperson Tirso Cruz III.

Binalikan ng cast, writer, at direktor nito ang mga naging hamon sa paggawa ng pelikula, pati ang kanilang galak na ma-restore ito at ang patuloy na pag-suporta ng mga manonood sa family-drama hit.

Samantala, nagpasalamat din ang Central Digital Lab CEO na si Manet Dayrit sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Sagip Pelikula para maisakatuparan ang layunin nito na i-restore at i-remaster ang mga natatanging obra noon.

Tampok sa pelikula ang istorya ng sigalot sa pagitan ng magkapatid na sina Jacinta (Maricel) at Clarita (Snooky). Sa pagbabalik ni Clarita sa kanilang probinsya para kamustahin ang kanyang kapatid at ina matapos ang ilang taong pamumuhay sa siyudad, biglang mauungkat ang itinatagong lihim ni Jacinta na labis ikagagalit niya at pilit sisira sa kanilang pamilya.

Ini-restore ito sa tulong ng Central Digital Lab at unang ipinalabas digitally sa KTX.ph noong 2020, matapos ang theatrical release nito noong 1995.

 

Maliban din sa "Inagaw Mo ang Lahat sa Akin," ilan pa sa mga unang itinampok ng Sagip Pelikula sa Metropolitan Theater ang digitally restored versions ng "Sana Maulit Muli" at "Himala."

 

Ang Mga Hiyas ng Sineng Filipino event ay inorganisa katuwang ng MET, FDCP, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Philippine Film Archives (PFA), at Sagip Pelikula na layong bigyang-halaga ang mga natatanging obra sa industriya sa pagpapalabas muli ng mga restored version nito sa pinilakang tabing.

 

Patuloy rin ang pakikiisa ng Sagip Pelikula sa mga adhikain ng FDCP na mas mabigyang-pansin ng mga manonood ngayon ang kahalagahan ng pelikulang Pilipino. Isa na rito ang pagtanghal ng Sine Sinta festival nitong Pebrero, tampok ang ilang restored romantic classics nito.

Kinikilala ng nakararami ang ABS-CBN Film Restoration sa pagsagip ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng proyekto nitong Sagip Pelikula. Tumanggap na ito ng ilang award tulad ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at kamakailan lang din ang Gawad PASADO sa Pagsisinop ng mga De Kalibreng Pelikula mula sa katatapos lang na 23rd Gawad PASADO ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).

Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa Sagip Pelikula, i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration).