News Releases

English | Tagalog

Birthday ni Kim at Holy Week specials, bida sa iWantTFC ngayong Abril

March 27, 2023 AT 10:58 AM

Isang buwang selebrasyon ang handog ng iWantTFC ngayong Abril dahil siksik sa libreng movies at series ang mapapanood para gunitain ang Holy Week, Araw ng Kagitingan, at ang kaarawan ng nag-iisang Kim Chiu. 

Gawing makabuluhan ang Semana Santa kasama ang buong pamilya sa panonood ng mga pelikulang tampok sa “Faith” special selection. Mapagpipilian ang “Himala” ni Nora Aunor, “Sta. Niña” ni Coco Martin, “The Healing” ni Vilma Santos, “Hiling” ni Camille Prats,” at iba pa. 

Magiging available rin sa iWantTFC sa darating na Holy Week ang livestream ng Celebration of the Last Supper (Abril 6 ng 5 PM), Seven Last Words (Abril 7 ng 12 NN), Veneration of the Cross (Abril 8 ng 3 PM), at Easter Mass (Abril 8 ng 10 PM).

Pwede namang itodo ang pagiging ‘proudly Filipino’ para sa Araw ng Kagitingan sa Abril 10 sa panonood ng mga palabas na tampok sa “Heroes” selection. Maaaring mag-enjoy habang natututo ng Philippine history sa pelikulang “Quezon’s Game,” docu-series na “The Last Manilaners,” educational series na “Bayani,” at Kapamilya teleseryeng “A Soldier’s Heart.”

Imbitado rin ang viewers na maki-celebrate sa kaarawan ni Kim Chiu sa Abril 19 dahil available para i-binge-watch ang ilan sa mga paborito niyang palabas. Mapa-comedy, romance, o horror, sagot ng iWantTFC ang mga palabas ng Chinita Princess tulad ng “Bride for Rent,” “Paano Na Kaya,” “The Ghost Bride,” at “Bawal Lumabas.”

Mas lalong paiinitin naman ng iWantTFC ang summer season dahil swak sa “Hot Bods” special selection ang nakakakilig na mga pelikulang “Always Be My Maybe,” “Ex with Benefits,” at “MOMOL Nights,” pati na rin ang iWantTFC original series na “Beach Bros.”

Samantala, tuloy-tuloy ang kilig at good vibes dahil napapanood na ang pinakabagong iWantTFC original series na “Teen Clash.” May bagong episode na ipapalabas kada Biyernes ng 8 PM. 

Simulan na ang movie marathon at i-stream ang mga movie at series na ito nang libre sa Pilipinas sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito na available sa Pilipinas. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-follow ang www.facebook.com/iWantTFC at @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE