News Releases

English | Tagalog

Elisse kaagaw ni Janine kay Zanjoe sa "Dirty Linen"

March 28, 2023 AT 02:21 PM

Elisse plays Zanjoe's fiery ex-girlfriend in "Dirty Linen"

Mila will have to step up her game in luring Aidan into her trap or else Sophie might just ruin all of her plans against the Fieros.

Sinong babae ang magwawagi sa puso ni Zanjoe?

Isang palabang ex-girlfriend ang bagong panggigigilan ng mga manonood sa pagpasok ng karakter ni Elisse Joson sa Kapamilya teleseryeng “Dirty Linen,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Gagampanan ni Elisse si Sophie Madrigales, ang ex-girlfriend ni Aidan (Zanjoe Marudo) na determinadong makuha muli ang kanyang pagmamahal. Dahil dito, magsisilbing tinik sa buhay ni Mila (Janine Gutierrez) si Sophie dahil unti-unti na sanang nakukuha ni Mila ang loob ni Aidan para sa plano niyang paghihiganti sa pamilya nito. 

Sa isang interview sa “Kapamilya Chat” kamakailan, i-kwinento ng aktres na natutuwa siyang mapabilang sa isang kapanapanabik na kwento kasama ang mahuhusay na co-stars. 

“I was really excited kasi ang tagal ko ding hindi gumawa ng teleserye. Nandoon ‘yung gustong-gusto kong magtrabaho ng panibagong gagampanan. ‘Yung kaba rin is always going to be there pero ‘yung kabang masaya,” sabi niya. 

Ibinahagi rin ni Elisse na dapat abangan ng mga manonood ang iba pang pasabog na rebelasyon, kabilang na rito ang masalimuot na sikreto ng kanyang karakter. 

“There’s so much more in Sophie na magugulat kayo. I’m excited to watch din kung paano mag-uunfold ‘yung story ni Sophie, kung ano ‘yung dala niyang bagsik,” sabi pa niya. 

Huwag palampasin ang “Dirty Linen” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Dirty Linen.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.