Sino ang susunod na Miss Universe Philippines?
Masasaksihan ng mga manonood ang pinakamagandang araw sa Pilipinas dahil nakatakdang ipalabas ng ABS-CBN ang Miss Universe Philippines (MUPH) coronation night sa pamamagitan ng mga digital streaming platform nito na iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube channel, at TFC sa Sabado (Mayo 13) simula 7 p.m.
Mapapanood ang MUPH nang live at on-demand sa buong mundo sa Youtube Channel ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC, habang available naman para sa mga manonood abroad ang live stream at replay nito sa TFC IPTV.
Magsisilbing hosts sina Xian Lim at Alden Richards at dadaluhan nina Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel.
Magtatanghal naman sa coronation night ang Filipino-American singer na si Jessica Sanchez, na naging runner-up ng American Idol Season 11.
38 kandidata ang maglalaban-laban para sa pinakaaasam-asam na korona at kakatawan sa Pilipinas sa susunod na Miss Universe pageant.
Sino kaya ang susunod na Miss Universe Philippines? Alamin sa coronation night ng MUPH na mapapanood sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV sa Sabado (Mayo 13) simula 7 p.m. Magkakaroon din ng delayed telecast ang GMA.
Para sa karagdagang detalye, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram, o bisitahin ang abs-cbn.com/newsroom.